Being Nauna Doesn't Matter( Hanabi| Hayabusa|Kagura)

800 10 5
                                    


Magkababata sina Hayabusa at Hanabi. Bilang mga magagaling na ninja sa angkan nila, lagi silang pinagtatapat sa mga sparring.

"Kainis naman! Talo na naman!" pagmamaktol ni Hanabi. Kinuha ni Hayabusa ang pulang pantali ng buhok at pumunta sa may likuran ng babae.

"Kelangan mo pa ng training," saad niya habang tinatali ang mahaba nitong buhok.

Laging ganun ang araw-araw na gawi ng dalawa hanggang sa unti-unting nahulog ang puso ni Hanabi kay Hayabusa. Pero labis ang kanyang lungkot nang makitang masaya ito sa piling ni Kagura.

"Hayabusa," tawag nito nang matapos ang sparring nila. "Bakit si Kagura pa? Andito naman ako ah. Bakit siya pa ang pipiliin mo eh nandito na ako sa piling mo nung una pa? Nauna akong pasayahin ka, nauna akong pangitihin ka, nauna akong humawak sa kamay mo at hinding-hindi ako bibitaw. Haya, bakit si Kagura pa? Mas nauna ako. Nauna ako!"

Napayuko nalang si Hanabi nang tumulo na ang kanyang mga luha.

"Hanabi, sorry, pero hindi porket nauna ka, ikaw na ang pipiliin ko. Gusto ko kita, oo, pero hanggang kaibigan lang. Si Kagura? Mahal ko siya, mahal na mahal. Wala akong pakialam kung sino ang naunang nandito sa tabi ko, kung sino ang naunang nagpasaya sa akin, kung sino ang naunang nagpangiti sa akin. Wala akong pakialam dun, Hanabi, kasi si Kagura lang talaga."

Pagkatapos niyang banggitin ang mga katagang iyon, umalis na ito papalayo sa nagdadalamhating dalaga.

"Nauna ako pero bakit pinagpalit parin ako? Ano bang mali sa akin? Ano bang kulang sa akin? Ano bang meron sa kanya na wala ako?" bulong ni Hanabi sa sarili.

"Hindi porket ikaw ang nauna, ikaw na ang pipiliin ko."

Ang mga katagang iyan ay paulit-ulit na naririnig ni Hanabi kaya't ang mga luha niya ay patuloy sa pag-agos na tila wala nang bukas.

Mobile Legends AnthologyWhere stories live. Discover now