Violin

586 12 2
                                    

Violin

Andun sya, nakatayo sa malawak na stage habang hawak-hawak ang violin na regalo ng kanyang ama. Lahat ng mata at atensyon, nakatutok sa kanya.

"I'm going to hire him for the night if he performs well," sabi ng isang mayamang babae na may katandaan na.

"Whether he's good at playing the violin or not, I'll surely take him home," sumbat ng isang mas batang babae.

"Okay, for the pre-bets on this genius musician, the auction starts now," sabi ng host sabay tango sa auctioneer.

"A hundred dollars? Two hundred dollars? Three hundreds?.... A thousand dollar?"

Habang pataas nang pataas ang perang sinusugal ng mga manonood, napapahawak nang mahigpit si Granger sa violin niya.

Tandang-tanda niya ang mga mukha sa loob ng theater na yun. Sampung taon man ang lumipas pagkatapos nilang sirain ang kanilang lugar, hindi parin sya makalimot.

"I'll bet a million dollar," isang boses ang siyang nkaagaw sa atensyon ng lahat.

Tumingin si Granger sa kanya.

"Alice," bulong niya sa sarili.

"Ms. Alice bets a million dollar. Taken!" sabi ng auctioneer.

Tumingin ang host kay Granger at tumango bilang senyas sa kanyang pagtugtog ng violin.

Nilapag niya ang lagayan ng kanyang violin sa kanyang harapan at marahan itong binuksan.

Nagsimula siyang tumugtog, nagkagulo ang mga manonood. Every string he pressed, every melody his violin makes. Lahat yun ay nagbubunga ng malakas na sigaw ng takot at pagmamakaawa.

Sa isang minuto niyang pagtugtog, iilan na lamang ang naririnig niyang sigaw. Pero hindi pa tapos ang musikang tinutugtog niya.

"Spare me!" rinig nyang pagmamakaawa ni Alice pero binalewala niya ito.

"Pakinggan niyo ang musikang papatay sa inyo," kalmadong sabi ni Granger. At sa huling tugtog ay siya ring huling dugong pumatak sa sahig.

Binalik niya ang violin sa lagayan nito at naglakad palabas.

In every step he takes, he stepped on the dead, bloody bodies of the people who ruined his life.

His violin isn't just a music. It's a music that kills.

Mobile Legends AnthologyWhere stories live. Discover now