Baroque Siblings

799 9 11
                                    


Nagdesisyon si Lancelot na magtraining kaya't pumunta siya sa weaponry room para kunin ang espada nya. Nang mahawakan nya ito, bigla nalang siyang nakuryente mula ulo hanggang paa.

Narinig niya ang tawa ng kanyang kapatid at hinarap niya ito. Agad niyang pinitik ang noo nito na siyang dahilan para sumigaw si Guinevere nang malakas.

"Saan ka ba pinaglihi at laging ako pinagtitripan mo?!"

Nameywang si Guin at sumagot, "Taray, nagrereklamo na siya."

"Sino ba ama mo ha? Nangangamoy ampon ka eh," sabi ni Lancelot.

Napahawak si Guin sa bibig nya pero di sya nagpatalo.

"Ama mo, bakla," sagot nito.

"Baka yang ama mo ang bakla, hukluban," sumbat nmn ni Lancelot.

"Ama mo bakla!" sigaw ni Guinevere.

"Aray!" sabay nilang sigaw nang mabatukan sila pareho.

"Kaninong anak ba kayong dalawa?" tanong ng ama nila. "Nangangamoy pinalayas na kasi kayo."

Napatawa si Guinevere nang may halong kaba.

"Ikaw namn, Dad, di mabiro," sabi niya sabay takbo. Bago pa magsalita ang kanilang ama, parehong nawala sa kaniyang paningin ang dalawang anak.

"Kaya di ka mahal ni Gusion eh, bugbog-sarado ang gago pag naging kayo," sambit ni Lancelot nang makita ang kapatid.

"Kaya di ka pa pinapakasalan ni Odette kasi panty parin gamit mo," sumbat nmn ni Guin.

"Kaya mas gusto ni Gusion si Lesley kasi mas malaki hinaharap nya kesa sau. Eww, flat," banggit ni Lancelot.

"Kaya mas pinipili ni Odette si Johnson bilang partner kasi may sasakyan siya, e ikaw? Ni kabayo wala, eww, poor," laban namn ni Guinevere.

"Kaya di ka nililigawan ni Gusion kasi pandak ka, nagmumukha kang anak pag pinagtabi kayo. Yuck, pandak," tugon namn niya.

Nanlaki mata ni Guin sa galit, sinipa nya ang kuya niya sa 'where-it-hurts-the-most.' Napayuko si Lancelot sa sakit.

"Kaya ka laging ban sa laro kasi OP ka," sambit ni Lancelot. Napatigil siya kasi pinuri sya ng kuya niya. Hindi niya ito inaasahan sapagkat hindi ganun ka-vocal si Lancelot pagdating sa pagpapakita kung paano nya sya  pahalagahan.

"Oh Panget," dagdag ni Lancelot.

Agad namang nawala ang pagka-softhearted ng dalaga at napalitan ito ng maala-demonyong galaw.

Isang malakas na sigaw ang
umalingawngaw sa mansion nang inatake ni Guin ang kuya nya.

Mobile Legends AnthologyWhere stories live. Discover now