Inuman (Granger | Alucard)

839 18 17
                                    

First Round:

Pagkatapos ng laban nila sa Land of Dawn, nagdecide sina Alucard, Gusion, Granger at Claude na mag-inuman sa bar ni Clint for celebration kasi nanalo sila sa laban. Sa umpisa ng inuman, lahat pa chill chill lang.

"Nakasavage sana ako kanina kung hindi lang epal si Estes," sabi ni Gusion. "Akalain mo yun? Siya nkalast hit kay Moskov pagkatapos kong ubusin ang hp nya."

"Yabang mo naman," sabi ni Claude. "Hindi ka lang kasi mabilis kumilos kaya naunahan ka ni Estes. And not to mention, tumulong kami para maka-maniac ka."

Habang nag-uusap ang dalawa, nakikinig lang si Granger. Si Alucard naman ay nakailang shots na kasi first time niya ulit uminom after two months kasi pinagbabawalan siyang uminom ni Miya. Habang tumatagal ang usapan, napaparami na ng inom si Alucard. Ito namang si Granger na maalaga sa kanyang violin, nilapit nya yun sa kanyang upuan.

"Oi, oi, shot pa. Ngayon nga lang tayo mag-iinuman eh," sabi ni Claude sabay taas ng baso nya para magcheers sila.

Biglang nakaramdam ng masamang kutob si Granger nang hindi tinaas ni Alucard ang baso nya. Tiningnan niya ito at agad siyang nagalit nang wala sa oras.

"Gweeeerrrkkkk."

"Tangina," mura ni Granger habang tinitingnan si Alucard nang masama. "Mamamatay ka na talaga ngayon, ALUCARD! SA LAHAT NG PWEDE MONG PAGLABASAN NG SUKA MO, DYAN PA TALAGA SA LALAGYAN NG ARMAS KO! ANO?! MAY DEATH WISH KA BA NGAYON?!"

Pinunasan ni Alucard ang bibig nya saka tumingin sa galit na galit nyang kaibigan, "Sorry, di ko napigilan eh. Alam mo yun? Bigla-biglang lumabas yung suka. Ew!"

"HAHAHAHAHA," hagalpak naman sa tawa si Claude na hindi pa nalalasing. "WTF! Hhahahaha, Alucard suka pa!"

"Nakakatawa ba yun?!" sigaw ni Granger. Muli siyang napatingin kay Alucard nang sumuka ito nang pangalawang beses.

"What the heck?" sambit ni Gusion na medyo hilo-hilo na dahil sa alak. "Nalalasing na ata ako. Di ako makapaniwala sa nakikita ko, nag-aapoy na yung ilong ni Granger sa galit."

Isa na namang hagalpak na tawa ang galing kay Claude habang sinasapak si Gusion sa likod.

Round two:

Nakailang baso na ang apat na lalaki pero patuloy parin sila sa pag-inom.

"Clint!" sigaw ni Claude na lasing na, "Apat na baso ulit!"

Kinalkal ni Claude ang bulsa nito sabay dukot sa pera nya saka nya ito tinapon sa may likuran nya na para bang basura lang yun.

"Tangina, Granger!" sigaw ni Gusion habang takip-takip ang mga tenga nya. "Sintunado ka naman! Wag ka nang kumanta! Nkakasira ng eardrums!"

Si Granger naman, binalewala si Gusion at sa pag-aakalang violin niya yung walis, bigla niya itong hinablot and nilagay sa may balikat niya na para bang magvaviolin.

"She loves it when I call her Senorita!!" kanta pa nya sabay higa sa may table.

"Ohhhh, ganda ng boses ah. Pwede na mag concert," sabi ni Alucard na tumigil muna sa pag-iinom kasi baka pati tiyan nya, isuka na rin nya.

"Hoy, Granger!" suway ni Clint habang bitbit nya yung order pa nilang alak. "Wag lang humiga dyan! Masira pa yan eh!"

"Ohhh la la la," kanta pa rin niya.

"Grabe, yung tenga ko dumudugo na ata," sabi ni Gusion.

"Clint, eto bayad!" sigaw ni Claude sabay hagis ng pera sa likuran.

"Hoy! Bastos na bata to! Hindi kita pinalaki na ganyan! Pulutin mo yan!" suway ni Clint.

"Clint, my man!" sabi ni Claude, "Para kang mudra sa sinasabi mo."

"Kahit kelan tlaga! Ang gulo ng bar ko kapag andito kau!"

"I love it when you call me, Senorita!" muling kanta ni Granger.

"Hi, senorita," bati namn ni Alucard.

"Tangina," mura naman ni Gusion, "YAOI!"

(Based from a comic I read. Credits to the owner of the comic.)

Mobile Legends AnthologyWhere stories live. Discover now