SELDA

461 14 2
                                    

Sariling Likha Ni:
MARWA ANGELA ENRIQUE



Mga ginigiliw kong mambabasa,

Isa na naman pong makabagbag damdaming kwento ang inyong matuntunghayan ngayon... Mga minamahal, gaano nyo ba pinagkakatiwalaan ang inyong mga kaibigan? Kaya nyo bang ipagkatiwala ang inyong sarili dahil meron kayong pinanghahawakang pangako sa isa't-isa... ? Paano kung buhay nyo na ang nakakasalalay dito? Isusugal nyo pa rin ba ang buhay nyo dahil sa isang pangako?

-marwa
___________

°°°
Minsan merong dalawang batang magkaibigan... Si Simon at si Alfred... Sila ay magkaibigan simula nung mga musmos pa lamang sila... Kalimitan ang dalawang batang ito ay makikita sa may dalampasigan, namumulot ng mga kabebe, o di kaya naman nagtitinda ng mga shells sa palengke... Kapag walang pasok sa school, makikita silang naliligo sa may tabing dagat o di kaya naman, napapalipad ng saranggola sa may dalampasigan... Kahit saan nila maisipang magpunta, palagi silang magkasama at nagtutulungan din sila kapag meron silang mga gawaing bahay...

Hanggang sa sila ay lumaki, hindi pa rin nagbago ang kanilang pagkakaibigan kahit na meron pa silang nakilalang ibang mga kaibigan! Palagi silang nagdadamayan kapag may problema.. Para kina Simon at Alfred, magbago man ang lahat, ngunit hindi ang kanilang pagkakaibigan, walang iwanan, walang mang iiwan hanggang maging matanda na sila! Nangako sila sa isa't-isa na walang magbabago sa kanila anuman ang mangyari...

Ngunit, isang pangyayari ang sumubok sa kanilang pagkakaibigan..

Di inaasahang na frame up si Simon sa isang krimen na hindi naman nya ginawa... Inakusahan sya, na sya ang pumaslang sa kanyang kasintahan na si Thyra, dahil sya ang nakita ng mga pulis nung dumating ang mga ito sa Crime Scene...

Nung araw kasi na yun, dumalaw si Simon sa kanyang kasintahan, ngunit pag dating nya sa bahay nila, nadatnan nya si Thyra, na nakahandusay sa sahig at wala nang buhay... Punong puno ito ng saksak sa katawan, na para bang walang awa itong pinatay.. Naging emosyonal si Simon at kaagad nya itong niyakap at napahagulgol sya sa sobrang galit at pag kaawa... Hinaplos-haplos pa nya ang mukha nito at hinalikan... Napansin naman ni Simon na puro dugo na ang kamay nya at pati ang damit nya ay nalagyan na rin ng dugo.. Pupunta sana sya sa kusina upang hugasan ang sarili nang biglang dumating ang mga pulis... Ang akala ng mga pulis, sya ang saralin kaya agad syang pinosasan... Kahit anong paliwanag ang gawin nya ay hindi sya pinaniwalaan ng mga ito dahil matibay ang kanilang ebedensya..

Dahil dun, nabilanggo si Simon sa kasalanang hindi naman nya ginawa.. Walang nagawa ang kanyang mga magulang upang sya ay tulungan dahil mahirap lang ang mga ito... Tuluyan nang naging miserable ang buhay ni Simon sa loob ng bilangguan at ang bukod tanging kaibigang dumamay sa kanya ay si Alfred.. Simula ng makulong kasi sya ay iniwasan na sya ng iba pa nyang kaibigan, dahil naging masama na ang tingin nila sa kanya... Si Alfred lang ang bukod tanging naniniwalang inosente sya dahil kilala nya ito mula pagkabata at batid nyang hindi nito magagawa ang karumaldumal na krimen....

Kahit nakakulong si Simon, hindi pa rin nagbago si Alfred sa kanya... Lagi nya itong dinadalaw sa kulungan araw araw pagkagaling sa eskwela at sinasamahan sya nito, at kinakausap... Lagi nya itong dinadalhan ng pagkain at kinukwetuhan ng mga nagaganap sa labas ng kulungan.

"Alfred, makakalaya pa kaya ako?" tanong ni Simon.

"Makakalaya ka, wag kang mag alala, basta manalig ka lang sa Diyos... Alam ng Diyos na wala kang kasalanan..!" tugon ni Alfred...

INSPIRATIONAL STORIES (ON GOING)Where stories live. Discover now