TAGA-LINIS

669 23 4
                                    

Isang araw sa malaking tindahan, isang bebong bata ang humahangos na lumapit sa Pay Phone... Dahil hindi nya kayang abutin ang telepeno, kumuha sya ng upuang kahoy at pumatong sya.. Agad syang nag dial ng numero at pinindot ang speaker key...

Bata: Hello, magandang araw po! Pwede po ba akong pumasok bilang taga-linis sa bahay po ninyo?

Lalaki: (kabilang linya) Hello! Sino ito?

Bata: Ako po si Andrew, mag aaplay po sana ako sa inyo bilang taga-linis ng bahay niyo!

Lalaki: Ah, ganun ba? Pasensya kana totoy, meron na kasi akong tagalinis...

Samantala, tahimik namang nakikinig ang may-ari ng malaking tindahan sa usapan ng bata at ng lalaking nasa linya...

Bata: Sige na po, Kuya! Tanggapin nyo na po ako! Kailangan ko lang po talaga ng trabaho! May sakit po Nanay ko... Lilinisin ko pong mabuti ang buong bahay nyo. Kahit kalahati lang po ang ipasweldo nyo sakin, payag po ako.. Tanggapin nyo lang po ako! Sige na po!

Lalaki: Pasensya kana talaga anak ha? Pero, kasi kontento na ako sa Tagalinis ko ngayon...

Bata: Kuya, lilinisin ko lahat, buong bahay nyo! Lilinisin ko po pati yung kotse nyo, garahe nyo! Wawalisan ko po lahat pati buong kalsada nyo, itri-trim ko lahat ng halaman nyo! Pananatilihin ko pong malinis ang bakuran nyo,. Gusto ko po, kayo yung may pinakamalinis na bahay sa buong Ayala!

Lalaki: 'Di na 'toy! Maraming salamat nalang!

Bata: (Sa halip na maging malungkot, ibinaba nya ang telepono na may ngiti sa labi)

Tahimik na lumapit sa kanya ang may-ari ng malaking tindahan at nagsalita...

May-ari ng Tindahan:
Anak, bilib naman ako sa pagiging positibo mo sa buhay! Sigurado akong, napakasipag mo sa trabaho at maaasahan.. Tamang tama, naghahanap ako ng boy ngayon! Sakin kana lang magtrabaho! Dahil masipag ka, dodoblehin ko sweldo mo!

Bata: Hindi po, Tay! Salamat nalang!

May-ari ng Tindahan:
(nagulat) Huh? Pero, nag hahanap ka ng trabaho kamo?

Bata: (ngumiti) Joke ko lang yun, Tay! Sa totoo lang po, may trabaho na po ako! Yung kausap ko po sa phone kanina, Boss ko po yun!

May-ari ng Tindahan:
Eh, bakit mo pa tinawagan Boss mo?

Bata: Wala naman po! Gusto ko lang pong i-check yung performance ko sa trabaho ko! Nakita nyo naman po, loyal sya sakin, ayaw nya akong palitan! Hehehh..
.
.
.
the end!

Words from the Writer:

Hello po sa lahat ng mga pilipino na mambabasa! Para po sa inyo tong storya "TAGA-LINIS" Sana po nagustuhan nyo... Ano po masasabi nyo? Vote, Comment and Share po!
First time ko pong magsulat ng tagalog inspirational story... Sana kinapulutan nyo po ito ng gintong aral.. Ang mga taong positibo sa kanilang sarili ay malayo po ang mararating! Sila po ang mga taong nagtatagumpay sa buhay!

-marwa angela enrique

INSPIRATIONAL STORIES (ON GOING)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora