Sino yun?!

76 0 0
                                    

Sino yun?!

February 2023, nag decide kame ng partner ko na umuwi na muna samen sa Sorsogon kasi masyado na talagang magastos sa katagalugan. At sa province, payak lang at tahimik ang buhay. Or so I thought?
Aware na ko sa mga kakaibang ganap samen lalo pag sumapit na ang gabi. Di ko lang ineexpect na magiging “favorite” ako this time.

Working ako night shift.
1 night, umuulan ulan, around 2 AM nag break ako, so lumabas ako sa tindahan namin para kumuha ng pagkain at inumin. (We are 5 houses in a compound. Kami ang nasa pinaka sentro tapos malawak ang gitna then ang entrance sa compound hindi gated. Meron lang mga halaman sa magkabilang side na nagsisilbing bakod tapos open lang ung pinaka entrada.)

Nung nakakuha na ko ng food at ilolock ko na ulit ung tindahan, may natanaw ako sa may gate na silhouette ng matandang babae yung tipong ngbebend pa ung katawan nya na akmang sumisilip. Bilang maulan at madilim, natatapatan lang sya ng dim na ilaw ng poste pero kitang kita mo parin na matandang babae sya. Pinaka titigan ko pa at tatanungin ko pa sana kung anong kelangan nya. Narealize ko, iba to! Kinabahan na ko kaya nagmadali na ko magsara ng pinto at pasok sa kwarto. Ginising ko pa partner ko nanginginig akong sabi “may matandang babae sa labas” which is sinagot nya ng “baka bibili lang” ok bibili ng 2AM tapos naulan pa?🙄
Around 3:30 AM habang nagwowork ako, biglang may sudden fishy smell na bumalot sa buong kwarto. Di ko pinansin pero kinakabahan na talaga ko. Akala ko saglit lang. Pero angtagal ng amoy. Yung parang bulok na mga isda. Ganun sya tapos masakit sa ilong. Anglansa nya literal. Ginising ko na naman yung partner ko kasi nga grabe angbaho. Naamoy nya rin pala.

Kinaumagahan, kinwento ko sa mga tao sa bahay. Imposibleng tao daw yun. Baka daw aswang. Kasi hindi parin nawawala dito yung mga usap usapan na meron talaga at malapit lang samen nakatira.
Nagsunod sunod na mga gabi na palaging tatapat talaga between 3:30 to 4 AM, may nangangalingasaw na malansang amoy sa buong kwarto. Mawawala lang yung amoy na yun pag may gising na sa bahay at malapit na lumiwanag.

Meron pang isang gabi. The usual madaling araw na working ako, at 3 AM, may kumaluskos simula sa may gilid ng bahay namin papunta sa likod na parang palakad lakad. Ang likod ng bahay namen blangko at madilim. Meron lang puno ng saging at mga kangkong na tanim. Medyo nag freeze ako sa kinauupuan ko kasi hindi ko alam gagawin. Anglansa lansa pa ng amoy. Tinawagan ko sa messenger yung tatay kong natutulog sa kabilang kwarto pero hindi sumasagot. Yung partner ko naman, tulog na tulog din. Maya maya biglang nag chat stepmom ko, “bakit neng?” Kako “parang may naglalakad sa likod”. Lumabas bigla yung tatay ko. Inikot nya mula harap ng bahay hanggang sa likod. “Wala naman.”

Mula nung nakita ko yung silhouette ng matanda, nag-umpisa na din akong magsugat sa paa. Angkati kati lagi ng mga binti ko. Di ko naman alam kung anong posibleng connect nun. Hindi din ako makapagpa-tawas kasi nasa Manila that time yung magaling na manggagamot samen na pinsan ng tatay ko. Kaya nung April 2023, umuwi kami ng partner ko sa Cavite (for other reasons) naisipan na din namin ipatawas ako kasi may kilala silang manggagamot. Ipinasundo ng partner ko yung manggagamot na yun.

Naglalakad pa lang yung manggagamot papunta sa bahay ng partner ko, nagtataasan na daw balahibo nya. Ika nya eh malakas daw. Kaya pagdating nya, nilabas nya agad yung luyang nasa bulsa nya at pinahiran ako ng langis sa noo at mga kamay ko. “Matandang babae.” Yun una nyang nasabi kahit wala pa kong binabanggit. Tumango tango lang ako. “Dalawa sila. May lalake pa. Mag-asawa” nanlaki mata ko. Natakot ako kasi “bakit?” Anong pakay nila saken?

Dinasalan ako ng mangagamot at nag-bulong sa ulo ko. Ilang araw pagkatapos ko matawas, unti-unting gumaling sugat at kati-kati ko sa binti. Pagbalik namin ng Sorsogon, so far, wala na masyadong ganap. All these happened after sumama ng friends kong couple dito samen nung November 2022 para magbakasyon.



[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now