Likod ng Pinto

96 1 0
                                    

Likod ng Pinto

Two years na siguro nung nakalipat kami sa bahay namin sa isang subdivision. November 2 nun, hindi ko lang matandaan anong year. Pero tradition namin dati na bumisita sa mga kamag anak na nag pass on na. Tumatanda na yung parents ko so tinatamad na bumisita sa lahat ng kamag anak.

Pag uwi namin, diretso naligo agad ako. May mga tradition kasi na sabi wag daw tutuntong sa kama pag bumisita sa patay at dapat mag bihis agad pag uwi kahit nag pagpag. So pag uwi namin, natatandaan ko pa talagang iniwan kong bukas yung pinto ng kwarto ko pati yung ilaw at yung bintana. After maligo, diretso sa kwarto. Malapit lang yung cr kaya kita ko agad yung kwarto ko. Bukas parin yung pinto pero patay na yung ilaw at nakasarado yung kurtina. Medyo natawa pa ko. Parang gut instinct siguro gugulatin ako ng nanay ko tapos nasa likod siya ng pinto.

So pag pasok ko sa kwarto binuksan ko yung ilaw tapos bago ko pa isarado yung pinto, naka ngiti na ko. Sakto, tama yung instinct ko. Andun nga yung nanay ko sa likod tapos balak akong gulatin. Nang gulatin niya ko, tumawa pa kami kasi nga hindi siya success. In a split second, biglang nag iba yung paningin ko. May mabilis na dumaan, parang smoke na kulay white. Tapos galing sa kanan, parang siyang hangin na visible tapos huminto sa harap ng mukhang ng nanay ko. Dun na ko napasigaw. Nawala yung ngiti ko. Sobrang nag iba kasi yung itsura ng nanay ko. Nung time na yun may sense of awareness parin ako, alam kong hindi naman nanay ko yun.

May overwhelming na feeling na potek alam kong multo to. Tapos yung itsura niya nung una, white smoke lang tapos biglang pumorma na parang entity. Yung final na itsura niya, kamukha nung mask sa movie na Scream. Nung time na yun parang slow motion na nag form siya from nothing, to a face. Tapos sobrang bilis nung pangyayari, nawala din siya agad. After nun, sobrang lakas nung tili ko. Dinig sa buong bahay, pati tatay kong nasa baba napasigaw.

Naiyak ako sa sobrang overwhelmed kasi hindi ko ma explain kung ano ba yun. Nagulat din yung nanay ko tapos panay ang tanong ano daw yung nangyari at bakit daw ako biglang naiyak. After namin mag tawanan bigla daw akong umiyak. Nung medyo kumalma na ko, nai-kwento ko na sakanya kung ano yung nakita ko.

Same kaming hindi makapaniwala. Napaisip ako kung may third eye ba ko or ano pero after nun, hindi naman ako nakakita ulit. More on minsan nakakaramdam pero hindi consistent. Hanggang ngayon pag nati-tripan ko lang, tinititigan ko yung likod ng pinto pero wala namang nagpapakita hahaha.

#Ltapreal



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now