Closure

97 3 0
                                    

CLOSURE

Hindi ito kwento, pero nahihiwagaan pa rin ako. My Father died Oct 13. 2021. Magkavideocall kami noon, he was sick. Sabi sa clinic hika daw so he was advised to go home and come back the next day for an x-ray. Habang mahkavideocall kami, bigla syang nahirapan huminga hanggang sa nawala na sya tuluyan sa amin. Wala man lang signs. Walang good bye. Hindi siya nakapag paalam sa akin.

Umuwi ako 2nd night ng lamay nya. Wasak na wasak ako at araw-araw akong umiiyak. Sobrang close kami at unica iha nya ako. Kaya sabi ko mejo tampo ako na hindi man lang ako inantay or nakapagpaalam man lang. Sinisisi ko sarili ko kasi wala akong nagawa, hindi ko man lang nayakap. Hanggang mailibing siya, walang paramdam kahit sabi ko sana sa panaginip lang.

On his 40th day, around 2AM. Napanaginipan ko siya pero parang gising ako kasi nararamdamn ko na napakainit ng katawan ko na animo'y may nakayakap sa likod ko. Sa panaginip ko, andun sya. Nahihirapan huminga, pero magkatabi kami. Nakayakap ako sa kanya at nakanigiti siya, nakabili pa akong oxygen tank pero hirap na hirap na siya huminga nang bigla syang nagsalita, "Patawarin mo ako anak, pagod na ang Papa"... Niyakap ko daw sya ng mahigpit at sabi ko, sge Papa. Pahinga ka na. Saka ako nagising. Nafeel ko na pinagawa nya saken lahat ng regrets at what ifs ko. Na nagpaalam siya sakin sa pamamagitan ng panaginip. Yung ang paniniwlaa ko na nagpagaan ng pakiramdam ko kahit papaano. Binigyan niya akon ng closure na hinihingi ko. Nung araw din na ito, may bumisita sa bahay na brown na paru-paro.

Fast forward. August 2022. Birthday ko, pag gising ko may brown ulit na paru-paro sa bintana. Naiyak ako agad, hindi ko alam. Parang nafifeel ko na dinalaw niya ako sa araw mismo ng birthday ko sa bahay namin dito sa Cavite. Until September 2022, birthday naman ng Mama ko, sa mismong araw ng birthday niya... Meron ulit na paru-paro sa bahay namin sa Bicol.

Si Papa kaya yon? Totoo kayang dumadalaw sila sa panaginip as sa pamamagitan ng paru-paro? Totoo bang nakikita parin nila tayo?

- End

#Ltapreal



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now