Dump Site

186 3 0
                                    

Dump site

Hi, kaspookify It's me Again, Gabo. Hindi po ito saakin story shinare lang po ito ng mga tito at grandparents ko. Itong mga nangyari na ito ay nangyari sa Dumpsite na nasa paanan ng bundok. Naging sideline na po ng mga Tito at grandparents ko ang pangangalakal sa Dumpsite dahil hindi naman malakihan ang sahod sa pagbabantay ng mga lupain sa kanila at dahil malapit lang din ang mga bahay nila roon. Yung dumpsite na po ito ay naging tapunan raw po ng mga nasalvage ito noong 80's kaya hindi po nakakapagtaka kung may mga magpapakita. Ito po yung unang kwento saakin ng Tito ko. Tawagin nalang natin s'yang bunso. Si tito bunso ay mabata bata pa nasa 20's palang sya ngayon kaya medyo malakas ang loob. Si tito bunso ay kasama ng kanyang mga tropa at sila ay nag usap usap na matulog sa dumpsite may paramg bahay naman po doon pero parang matanda na. So sa kalagitnaan po ng kanilang pagtulog sya ay nakarinig ng kadena na parang binabatak hindi nya po pinansin noong una pero kalaunan ay hinanap nya po kung saan ito nanggagaling. Nahanap nya po yung pinanggagalingan ng tunog ng kadena at nakita nya po ang isang paa na putol at may nakakabit na kadena dito nanigas sya at hindi nakagalaw sa kanyang kinatatayuan. Nangmalapit na sa kanya ang paa ay bigla syang bumalik sa katinuan at pinuntahan ang kanyang kaibigan. Ginising nya ang mga ito. Ayaw pa nilang maniwala pero noong narinig nila ang tunog ng kadena ay bigla po silang nagsikulasan HAHAHA.

Meron pa pong kwento ang tito ko pero galing na po ito sa Kasamahan n'ya. Doon din po ito nangyari. Tawagin nalang po natin syang Pedro. Si pedro raw po ay galing sa birthdayan pero inabot na po sya ng gabi at naisipang dumaan nalang sa dumpsite dahil shortcut iyon. lapit na po sya sa May itaas ng makarinig sya ng mga batang nagkakasiyahan. Nang Marating nya ang itaas ay may naaninag syang mga anino ng bata at nagtaka sya dahil walang batang gustong pumunta doon ng ganoong oras pero hindi nya nalang po ito pinansin. Nang makatapat nya ang bata ay nakita nya ang mga itong mga walang mukha kaya dali dali na syang naglakad at hindi sya nagpanic dahil baka raw ay habulin pa sya nitinpero meron pa palang isa. Sa paglalakad nya ang isang taong may dalang bisikleta pero wala itong ulodahil sa hindi nya na nakayanan ang takot kaya sya ay nagtatakbo na. Sa lugar na iyon ay marami po talagang kababalaghan na nangyayari dahil sa magubat at maraming nangyari. Ako rin po ay may karanasan din doon

Gabo


📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now