Duyan

120 3 0
                                    

Duyan

Hi. I'm from Bukidnon. First time ko magpost ng story dito so just bear with me. It's not my story but gusto ko lang i-share yung experience ng lolo ko at friends niya way back 1950's. Maraming kwento ang lolo ko na nakakatakot and based on his own experiences pa yun. Nung bata palang kami ng mga kapatid ko, lagi siya nagkwekwento since mahilig kami sa mga horror. And by the way, if familiar kayo sa libreto, may ganun din yung lolo ko. Pinakita nga niya iyon sakin eh. It's a small book pero pag open ko nun, wala namang nakasulat. Blank pages lang nakita ko. Pero nung holy week na, pinakita niya sakin ulit yung book at nakita ko na may mga nakasulat na sa lahat ng pages. But di ko maintindihan anong nakasulat since parang latin yung lengwahe. May mga ganun ba lolo or any member ng family niyo? Bad ba yun? Matanong ko lang since nakwento na din nya saan niya ginamit yung book na yun pero next time ko nalang i-share. As what I've said, marami nashare si lolo samin na mga creepy experiences niya especially noon na hindi pa ganun ka-unlad at masiyado pang tahimik ang paligid. Pero itong kwento na to ang pinaka-creepy para sakin.

Early 1950's, nagkayayaan daw yung lolo ko at mga barkada niya na pumunta sa Disco o tawag samin ay Bayle. Dati daw gamit pa nila is lampara at yun yung ginagamit nila para may ilaw sila sa daan. Maliwanag naman daw ang buwan at yun ang nagbibigay din ng liwanag sa kanila habang sila ay naglalakad. Puro tahiban pa sa lugar namin nun at malalayo pa ang mga bahay. Habang sila ay naglalakad, may nadaanan silang kubo na madilim at walang ilaw. Sabi ng isang kasama nila, kamamatay lang daw ng babaeng nakatira dun dahil sa panganganak. Iniwan daw siya ng asawa nito at mag-isang hinarap ang pagbubuntis niya. Pero sa kasawiang palad, patay din daw yung bata nung itoy nailabas. Diretso lang sila sa paglalakad papuntang discohan at naaninag na nila ang sayawan. Bandang alas 2 ng madaling araw nang napagdesisyunan nilang umuwi na. Maliwanag pa din ang buwan at ito pa din ang nagsisilbing liwanag nila sa daan. At dito na nga ang creepy na part. Habang palapit ng palapit sila sa kubo kung san may namatay sa panganganak, may narinig silang babaeng kumakanta. Ang ganda daw ng boses at ang lamig. Nang dumaan sila sa harap ng kubo, nakita nilang sobrang liwanag ang isang kwarto. Sinilip nila ito kasi nakabukas daw ang isang bintana. Nakita nilang may babaeng nakatalikod na kumakanta habang dinuduyan ang isang bata. Nakaputi ito at mahaba ang buhok. Hindi sila makagalaw sa kinatatayuan nila dahil sa nakita. Tinanong ng lolo ko yung isang kaibigan niya kung yun ba yung babaeng kamamatay lang dahil sa panganganak. Lalo silang di makagalaw ng ito ay dahan-dahang lumingon kung nasan sila at ngumiti. Nakita nilang sobrang lalim ng mga mata nito at ang balat ay parang naagnas. Sabi ng kaibigan ni lolo - "Oo pre. Siya nga."

#LTaPReal




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now