Bahay ni Apo

1K 12 2
                                    

Bahay ni Apo

Hello admin! Hello everyone, I just want to share my story here on Spookify. I've been a silent reader here for a long time, and it's my first time sharing here, but I'll try my best to write and tell it properly.

Ako ay pinaglaruan ng isang elemento. Nagsimula lahat noong umuwi kami ni papa para magbakasyon at bisitahin ang aking grandparents sa Pampanga. Nang dumating kami doon ay okay naman ako at masigla tulad ng ibang mga bata. Ito ay nangyari I think 8 or 9 years ago. Yes, matagal na pero hindi ko limot ang mga detalyeng nagpahirap sakin ng halos isang linggo. Sa bahay ng grandparents ko may nakatira raw na hindi tao, dahil ang tito ko ay may third eye nagpapakita sa kanya minsan ang mga kaluluwa sa bahay na iyon tuwing pumupunta sya o dumadalaw doon, but aside dito meron pang ibang elemento na nakapaligid sa bahay nila.

At ito na nga, naglalaro kami noon ng pinsan kong babae sa bakuran ng grandparents ko at ako ay kumukuha ng bunga ng tinatawag nilang palapat dahil ito ang aming ginagamit sa laro naming luto-lutuan, habang ako ay pumipitas non ng patalon-talon hindi ko alam na simula na iyon ng paglalaro nila sa akin. On that night, okay akong matutulog na katabi ang aking pinsan na babae at ang papa ko kasama din namin ang grandparents ko bali naglatag lang kami non sa sala para tabi-tabi kami kahit na may mga kwarto doon. Tila noong gabing yon, ramdam ko ang lamig na kakaiba hindi ko ma explain yung pakiramdam ko that time kaya habang lumalalim ang gabi na inabot na ng umaga doon ako nagkasakit at kahit paracetamol di effective sakin. Ilang araw akong nakahiga lang sa sala hindi mabangon ang aking katawan. Walang nagbabantay sa akin dahil ang mga Apo ko (kapampangan ng lolo at lola) ay pumupunta sa tindahan ng tita ko sa kabilang brgy upang magbantay. And kung tatanungin niyo nasaan si papa siya po ay namamanti noon kaya wala rin sya madalas sa bahay tanging ako lang naiiwan don at umuuwi lamang Apo ko pag papainumin ako ng gamot. Takot din ang bumalot sakin dahil may nakatira rin sa bahay na iyon na mga kaluluwa luckily walang malalang nangyari sakin habang ako lang mag isa sa bahay na yon, ngunit sila ay nagpaparamdam habang ako ay natutulog minsan ako ay nagigising dahil tila hinihipan ang aking tenga.

Going back, Ilang araw mabigat ang ulo ko masakit ang katawan at tila di kayang bumangon. Nang mataas na ang lagnat ko at nagsusuka na ako ng kulay dilaw dinala na nila ako sa hospital. Chineck nila ang kalagayan ko doon ngunit parang wala silang nakitang mali tila parang okay naman daw ako at ang tanging ginawa lang sakin doon ay ininjectionan ng something para ata hindi na ako magsuka. Nagtataka din ang papa ko at tita ko na sumama sakin sa hospital bakit biglang nawala yung mataas na lagnat ko, but after namin don inuwi nila ako agad. Ngunit ng pag uwi namin still ganun pa din masama pakiramdam at tila walang nagbago at bumalik ang aking lagnat.

Ngunit nung araw na dumating ang tita ng Apo ko na manghihilot at marunong mag tawas, doon ako gumaling. After niya hilutin buong katawan ko medyo gumaan ang pakiramdam ko at ng tinawas ako gamit ang maligamgam na tubig at asin napag alaman namin na ako daw ay napaglaruan, ako daw ay nakakapit sa kawayan malapit sa puno. Sakto iyon noong araw na naglaro kami ng pinsan ko sa bakuran at nong gabi na rin na yon saktong nagsimula akong magkasakit. Hindi namin alam kung ano o sino ang naglaro sa akin maaaring duwende daw o ibang elemento sa puno pero nung malaman ng grandparents ko sila ay nag alay ng something na sinabi ng Tita nya kaya naman ang aking pakiramdam ay mas bumuti and mismong araw na rin na yon ako ay inuwi ni papa sa amin sa takot na baka maulit muli sa akin iyon. Simula noon hindi na ako muling nagbakasyon sa bahay na iyon and if magbabakasyon man kami, kami ay tumutuloy na lamang sa tita ko at hindi na sa bahay ng grandparents ko. 

Ps. My grandparents rarely come back to that house now because there are no longer any neighbors living there. It seems like that barangay has been abandoned due to the land sinking and flooding. They are not afraid in their home either, as they are used to it and have been living there for a long time. Now, they are currently staying at my aunt's house.

One



📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin