Demons

74 2 0
                                    

Demons.

Yes they are true. At they are around us din. Waiting for an opportunity to strike us.

Bit of a back story, sa father's side ko mga hindi naman manggagamot pero marunong silang magpaalis ng mga sanib, masamang espiritu etc. Lowkey lang sila na ganun gaya ni erpat nung buhay pa. Sundalo sya at LRT teller pero nagpapalayas sya ng sanib and bad spirits, especially demons.

I've had my fair share of demon experiences and I'll share one today.

I was around 12 yrs old nun, school vacation. Sinama ako ni erpat sa work nya sa LRT (yung monumento to baclaran) teller si erpat (tokens pa noon at hindi cards) at madalas syang maassign sa Vito Cruz station.

One afternoon, tinawag sya ng guard. Meron daw silang kinukuhang babae na tumalon sa riles. Hindi nila makuha kasi kinakalmot daw sila at pag nahahawakan nila iniitsa sila. Alam ng mga taga lrt ang gawain ni erpat kaya siya agad ang pinuntahan nila. Andun ako nung time na yun, sinabihan ako ni erpat ma wag lumabas ng booth nya...eh bata palang ako chismoso na ko so lumabas ako at naki usyoso.

Nagwala ng todo yung babae nung nakita palang si erpat. Sinigaw nya pangalan ng erpat ko in a deep demonic voice: "Halika dito ***** hindi mo ko kaya!" habang tumatawa. So nakakapagtaka na bakit alam nung babae pangalan ni erpat gayong random passenger lang sya. That time hindi ko pa alam na demonyo na pala yung naencounter namin.

Naialis nila yung babae sa riles at dumadami na din ang mga usisero kaya dinala nila sa security office yung babae para maexorcize ni daddy.

Sa office:
6 na malalaking lalaki kasama si erpat at 3 lady guards ang nagtulong tulong para masubdue yung babae at hirap na hirap sila until finally naiposas nila sa upuan.
Habang dinadasalan ni erpat ng latin yung babae patuloy lang sya sa pag growl. Parang lion sa zoo. Pero halata mo na iniinda nya yung sakit ng epekto ng orasyon sa kanya. In between orasyons tinatanong ni erpat ang pangalan ng sumanib na demonyo sa babae

Note:
Kailangan mong malaman ang pangalan ng demonyo na sumasapi otherwise the whole exorcism is pointless.

Going back. Siguro hindi na kinaya ng demonyo yung mga dasal ni erpat at sumigaw sya in a low male voice: "ASMODEUS" (pangalan nya)

"Sa ngalan ni HESUKRISTO pinapalayas kita ASMODEUS!" Sigaw ni erpat. Tapos nilagay nya yung maliit na dignum bakal sa noo ng babae at tuluyan ng nawalan ng malay. Pagtapos nun nagising yung babae na walang naalala sa mga nangyari.

Kwento ng babae nung nahimasmasan, college student sya at naglaro sila ng spirit of the glass ng mga kaibigan nya. Dun na sya nagsimulang makaramdam ng iba until eventually saniban.

(ang dignum ay isang "agimat" used by local exorcists. It can be bakal, wood, etc.)

Dami pa kong naka line up na kwento mula sa sariling karanasan hanggang sa karanasan ng iba.



📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon