Malalamig na Mata

126 2 0
                                    

Malalamig na mata

Hi, tinatamad ako mag intro. Siguro rekta story na agad. Basta ang pen name ko sa lahat ay “cae” so call me cae na lang.

It was december 2022, gabi noon bago mag pasko, naga lakad ako sa may high way. Plano ko mag night walk kase nasa healing stage ako. Like I'm not passing school works dahil sa burned out and parang any moment e gusto ko na mawala dahil sa personal problems ko. And bc of that, nawala sparks ko sa lahat and pati yung ngiti ng mata ko, nawala.

And while naglalakad ako sa may highway galing sa bahay, naka salubong ko tong guy na kakilala ko pero hindi kami close. Childhood friend ko s'ya pero never kami nag usap. Kapit bahay ko din. Nakaka laro ko pero hindi kami ganon ka magkakilala. Alam kong gamer s'ya ng LOL kase nakaka sabay ko to mag laro sa secret shop dito sa amin. Tuwing gabi lang open yong computer shop na yun kaya alam mong pang mga batak na gamer lang talaga. Itong guy na to pala ay sa totoo lang e may kapogian. Singkit mata n'ya and medyo payat. Medyo hawig s'ya ng artist na si Arthur Nery pero ito medyo mukhang totoy pa compared kay Arthur Nery. Pero college student s'ya and may gf na shs.

So, nong time na yun, naka salubong ko s'ya mag isa na nag lalakad. Out of nowhere, the moment na napa tingin ako sa mga mata n'ya, habang naka salubong ko, napansin ko na parang walang spark or cold yung mata n'ya. Siguro dahil ganon din ako kaya yun naiisip ko. Bigla na lang pumasok sa isip ko, “maagap to mawawala.” and nasabi ko pa sa isip ko, “ano kaya possible na ikakamatay naman neto? Aksidente sa motor?” alam n'yo yung random na nasa daan kayo tapos naisip n'yo yung ganong bagay dahil lang sa napansin n'yo. And nong time na yun e batak ako mag basa sa webtoon. And yung ginawa ko ay siguro part ng fantasy ko. Kung alam n'yo yung wattpad story na Break up planner, parang ganon yung unconscious na nagawa ko. Na nasabi ko sa sarili ko na mawawala yung guy ng maaga. Pero dahil alam kong hindi magandang isipin yun, hinayaan ko na lang at bumili ng pagkain sa dimsum. Nag night walk mag isa at madaling araw na ko naka uwi.

Pasko, new year and madaming events ang pinalagpas ko. Hindi ako na labas ng bahay. Adik pa din sa ML, nagpapaka walang kwenta sa buhay. Puro nood ng anime then mag binge read sa webtoon. Then pag na bored, mag oomegle. Ganyan ako nag celebrate ng pasko and new year ko. While nag sasaya mga kapit bahay namin, samantalang ako, masaya sa sariling mundo. So, in conclusion, wala akong pake sa outside world. After a month, dahil alam kong babagsak ako sa ginagawa ko, nagsabi na ko sa parents ko na di ako mag aaral at magpapa drop na lang muna. As usual, kababaeng tao ay batak mag laro and may times na nakaka sabay ko pa din mag laro yung guy na yun sa secret shop pero madalang.

Mula ng nagpa drop ako sa school, wala na kong balita sa lahat. Wala din akong fb kase deactivated at discord lang gamit ko para ma contact ako. Kaya one time, lumabas ako para bumili ng shampoo sa tindahan. Usap usapan yong mga madalas na aksidente sa lugar namin. May mga bus nag banggaan, mga highschool students na nawawala, at may mga aksidente sa motor. Kakapasok lang ng taong 2023, dami na agad na ganap. Pero dahil kakalabas ko lang, e medyo nabibigla ako sa nangyayare. Nabalitaan ko pa ang mga shs students na babae na ka school ko and isang lalaki na college student ang critical ang condition dahil na gitgit daw ng truck ang motor sa diversion. Hindi naman ako chismosa kaya hinayaan ko na lang yung mga kwentohan sa labas sa amin.

E dahil bihira nga ako lumabas, isang nakaka gulantang na balita para sakin ang makita ang tarpaulin ng taong kakilala ko. Para akong binuhusan ng yelo sa kinatatayuan ko. Na yung guy na may malamig na mata yung nabanggit sa kwentohan na critical ang condition. Sabi pa sa kwento ay, yung guy na yun ang napuruhan dahil yung mga babae na kasama nito ay hindi gaanong nasugatan sa mukha. Pero mga na coma silang tatlo. 

Dahil sa mga nabalitaan ko, kinausap ko yong best friend ko na pinsan nitong guy, at kinwento ko yung naranasan ko. Ang sabi n'ya sa akin, “Hindi totoo yang ganyan, kung kaorasan na ng tao, kaorasan na n'ya. Nagkataon lang na pinsan ko pa.” Naramdaman ko yung lungkot sa sinabe n'ya at sobrang na kokonsensya pa din ako. Ang overthinking ko ay, nahulaan ko ba or wishful thinking yung ginawa ko? Alam kong wala akong kasalanan pero na predict ko ba yung nangyare? Dahil until now e guilty pa din ako.

Yun lang po. Hindi ko alam if nakaka takot pero hindi naman yun yung Intention ko. Gusto ko lang ng kasagutan po. Salamat.

Support user, caellach.



📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz