Abandoned QC Bldg

68 2 0
                                    

Abandoned QC Bldg

Kwento ito ng isang friend ko na umupa sa isang condo unit dyan sa may South Triangle area. May katapat silang abandoned building, actly hindi natapos buoin for some reason. Dahil odd hours yng working hrs nya at minsan Work from Home pa, madalas e breaktime nya spent nagkakape at sumisilip sa bintana/veranda nya. Natatanaw nya lagi yng half-finished bldg at nakikita nyang may mga figures na palakad-lakad dun. DAhil madilim, naisip nyang baka mga trabahador. So di nya naisip na dark shadows o something ominous. Minsan, naiilawan ng mga sasakyang dumadaan sa street kaya naliliwanagan din yng bldg. May babae naman sya nakita dun...again, naisip nya baka asawa or GF na dumadalaw dun sa construction worker jowa.

One time, nasa baba sya at nagaabang ng Grabcar nya, nakipagkwentuhan sya dun sa guard ng condo. Sabi nya, "Manong, nagsimula pala sila uli gawin yang bldg dyan, ano?" Nagtataka si guard, "Anong bldg po..yang sa tapat?" "Oo, may nakikita ako sa gabi na mga gumagalaw dyan e...naisip ko workers." Medyo takot na sumagot si Manong, "Wala naman po nagtatrabaho dyan...matagal na po wlang mga trabahante...Pero kwento ng mga dating guard dito, may nakikita silang white lady dyan pagala-gala sa upper floors kung gabi. Sabi rin ng mga naunang tenant na tumira dito, may mga anino daw silang nakikita dyan kaht wlang tao."

Mula nuon, naglagay na sya ng thick curtains sa windows nya, at nagbubukas na lng sa vernada kng maliwanag na. Dahil nakarating na rin sa may-ari ng condo, naglagay daw ng "bagwa" o yng Chinese Feng Shui mirror sa tapat ng bldg.


📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now