Resort

333 5 0
                                    

RESORT

Hello po!! Honestly, I am not a reader of this page, and I'm not into horror stories as well, but gusto ko lang e-share ang isa sa mga hindi ko makakalimutan na karanasan na nangyari saamin sa isang resort somewhere in Batangas.

So last year, December 13 to be exact, one of my close friend celebrated her birthday sa resort na 'yon. Hindi na bago saamin na mag celebrate sa isang resort pag may nag-birthday pero first time namin napadpad sa resort na 'yon— di ito gaanong popular because of it's location.

Dumating kami ng 11:30 and everything was fine not until the evening came. Mga 7 yon no'ng nagka-yayaan ng mag inom. Before kami nag start, pumunta muna ako sa Cr ng resort dahil natataè na talaga ako. When I got there, may bigla nalang talaga akong na feel na ibaaa. Hindi ko nalang pinansin kasi hindi talaga ako matatakutin na tao and I don't believe sa mga multo-multo pa non. Saktong magbubuhos na sana ako, may bigla nalang akong narinig na umiiyak. As in guyssss, sobrang creepy ng tunog na kahit ngayon tumatayo parin balahibo ko everytime ma re-remember ko ang tunog ng pag-iyakkk huhu. Tatlo pala cr don tapos sa gitna ako pumasok. Nasa right side nanggagaling ang iyak and kahit sobrang takot ko na, nag-try parin akong magsalita saying na ""Bff, ikaw ba 'yan?"", nagbabakasakali na kaibigan ko lang na kakabreak lang sa jowa nya. Shuta, walang sagottttt,  kaya alam kung hindi ko friend 'yonnn. Diko pa nasuot pants ko tumakbo na talaga ako.

I tried to share it to my friends kasi baka isa sa kanila pumunta talaga pero wala daw, ako lang daw umalis sa pwesto at pumunta sa Cr. They comfort me saying na try nalang kalimotan and mag enjoy and para hindi mahinto ang kasiyahan, tinry ko talagang  kalimotan nalang. Mga 12 non at tipsy na kaming lahat except sa isa kung friend na  hindi umiinom. Ang natatandaan ko ay may isang friend akong gustong uminom ng tubig that time(nakalimutan ko sino) pero hindi na siya halos makatayo kaya nag volunteer 'yong isa kung friend na hindi uminom na sya nalang kukuha. Alam nyooo pag balik nya, hindi na ma-pinta mukha nya. May dala syang lagayan pero wala ng tubig, and ang sabi nya saamin ay natumba daw siya dahil daw may tumulak sa kanya tas nagka sugat pa talaga sya. Kaya naman ay napag-desisyonan na talaga namin na matulog na  that time upang makauwi na ng maaga kinabukasan.

Nasa loob na kami pero sobrang takot na takot parin friend ko dahil sa nangyari, to the point na pinawisan na siya. I bought efficascent kaya sabi ko na pahidan kosya para mapa-kalma. Pagbukas ko ng t-shirt nya, I saw a HANDPRINT sa may likoran nya. Dalawang kamay na hindi gaanong malaki. Sobrang kinilabotan talaga ako na gusto ko nalang makauwi kami. Sinabi ko sa friend ko ang nakita ko and she was speechless and naiiyak nalang. Good thing, pagod katawan namin kaya nakatulog agad kami.

Pag gising naman namin kinabukasan, sumigaw naman  friend kung last na gising, agad naman kaming pumunta sa kwarto and nakita talaga namin lahat ang parang scratch ng kuko sa paa niya. Maya-maya pa ay dumating si ateng caretaker ng resort and sinabi namin ang mga nangyari. Ayon sa kanya, hindi lang daw kami ang nakaranas ng mga ganoong bagay. Ang nagpaparamdam daw sa resort ay ang dating caretaker nito na namatay daw mismo sa resort na 'yon.

Ang chika sa'min ni ate ay nadulas daw ito gilid ng pool(na-review sa CCTV ng resort) at wala daw ibang tao sa resort na 'yon kayat walang nakatulong at kinabukasan nalang nakita ngunit hindi na humihinga pa. Natakot daw ang owner ng resort kayat tinakpan ang pangyayari at ipinalabas nalang na inatake ito sa puso habang nagbabantay. Kaya siguro hindi daw natahimik ang kaluluwa. Dali-dali agad kami umalis sa lugar para maiwasan na ang mga pwede pang mangyari. Natulog ako pagkadating ng bahay dahil hindi pa talaga ako naka-move on sa mga nangyari, ngunit, nagising  ako bandang hapon dahil tumawag isa kung kaibigan sa Gc namin sabing may mataas daw na buhok napasama sa bag nya. Totoo pala talaga ang mga nagpaparamdam no? Walang makapagsabi paano nila ito nagagawa but one thing for sure, they need our PRAYERS.

-Nat


📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now