The Happenings

95 2 0
                                    

The happenings

I just wanna share yung mga kaganapan sa bahay ng ex ko nung magkasama pa kame.

May mga ganap sa bahay nila sa Las Piñas na hindi namin maipaliwanag. And hindi lang ako yung nakaka-encounter, kundi maging yung ex-partner ko din.

Year 2020-late 2022 ako nagstay sa bahay ng ex ko, kasama yung Mum niya at bunsong kapatid. Which is mostly wala din kase nasa school or nasa work.  Yung mama niya yung nag-offer saken na magstay nalang sa kanila kesa mag-stay in ako sa work ko atsaka para may kasama din sila ng bunso nila kapag wala yung ex ko na anak niyang lalake. Mabait yung mum niya saken pati kapatid kahit wala yung anak niya sa bahay. Malake kase bahay nila, tas tahimik tanging yung mga aso lang pag tumatahol yung maingay, tas 4 lang kame sa bahay talaga. Nasa Cul-de-sac din sila ng street nila and sobrang tahimik ng village nila, as in.

Fast forward, may instances na uuwi ako galing work, pagbaba ko ng tricycle, papasok na ko ng gate nakita ko yung ex ko sa bintana na magtatago sa likod ng pinto. Naging habit kase namin yung magugulatan pag umuwi yung isa samin dati. Pagpasok ko ng screen door nagdahan dahan pa ako kase gugulatin ko sana siya sa may likod ng pinto, pagtingin ko wala. Walang tao! Impossible, nagtaka ako lalo kase nakita ko yung ex ko sa kwarto namin, tulog na tulog. Pero same yung suot sa nakita ko before pumasok ng kwarto.

Meron pa, isang umaga mga 5:45 am 'to. Bago kame pumasok sa work, nasa kusina ako nagiinit ng tubig pampaligo tas siya nasa kwarto, nakahiga pa pero gising na din. Nang narinig ko siya na tinawag niya ko, so sumagot ako ng "Oh bakit?" Tas sabay din na sumagot siya ng "Oh?" Lumapit ako sa kanya para magtanong kung bakit niya ko tinawag nang sabihin niyang "Luh, Ikaw nga tawag ng tawag saken kanina e". So sino yung narinig namin na tumatawag samin na kaparehas namin ng boses. Alangan na mama niya tawagin kaming "Babe" Haha.

Tas eto, yung galon ng tubig sa kusina, ang weird kase maayos yung pagkakapatong niya sa counter top, pero magugulat kame habang nanonood kame sa sala, or nasa kwarto biglang babagsak yung galon na puno as in, hindi namin alam paano nahuhulog. Mga 5 beses na nangyare yun ganon.

Ilang beses din akong binangungot sa kwarto namin na palaging may shadow na itim na dadagan saken habang tulog ako, kahit daytime. Tas yung ex ko naman pag tulog siya, may bubulong sa tenga niya ng "Boss" tas di niya kilala yung boses.

Ang weird lang.



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now