Ex

80 1 0
                                    

Ex

Meron ako ex-boyfriend na namatay due to motorcyle accident. Comatose siya before nung na-operahan siya nagising naman but nag back to zero. May mga premonition siya before na gusto niya siya yung unang mamatay samin kasi hindi niya daw kakayanin kung mauuna ako. Maraming ups and down during ng treatment niya dahil sa ulo ang tama. Hindi ko na idedetail pa. Pero merong isang beses na during comatose siya at natutulog ako sa hospital sinabi niya sakin na umuwi na kami habang natutulog ako. Nakatayo siya sa harap ko at half awake ako so alam kong siya yun. Hindi ko alam yung time na yun nrerevive pala siya sa ICU. But everytime na maririnig niya boses ko bumabalik ulit yung oxygen and heartbeat niya at dumidilat siya. Kaya lagi akong tinatawagan noon if ever nagtotoxic siya sa ICU. Nung last month niyang nabubuhay at alam kong ako na lang inaantay niyang magpaalam. Kinausap ko siya kung kaya niya pa at umiling na siya masakit sa puso alam kong magbibilang na lang ako ng araw o oras, saktong december ko siya kinausap. Nakiusap ako na patapusin lang lahat ng okasyon birthday ko, pasko at new year and tatanggapin ko na yung araw na aalis siya. Sad to say he did. A month after ng birthday sinakto niya yung paghugot niya ng mech ventilation niya at ngumiti lang siya bago tuluyang bumagsak yung pulso niya at mawalan ng hininga. Ayaw niya siguro kaming mahirapan na magdecide or pumirma ng dnr sa hospital kaya siya na lang nagkusa magtanggal. Itutuloy ko po ang kwento during his last day on earth and during his wake.

Part 2

During his last day kami yung magkasama sa bahay nila. Ito na yung mga panahon lagi siyang tulala para bang napakalalim ng iniiisip niya. Kinakausap ko siya pero titignan niya lang ako at tutulo ang luha. May mga tinuturo siya sakin  like may tubig daw tumabi ako or may tao sa likod ko. By the way naka tracheostomy sya so nabubuka niya ang bibig niya at binabasa ko lang ang buka ng bibig niya. Nagpaalam akong uuwi sa bahay namin saglit at tumango siya. Noong nakarating na ko sa bahay parang ang lamig lamig ng paligid nabanggit ko pa sa mother ko if nakabukas yung aircon kasi sobrang lamig hindi naman daw, so ang claim ni mother malamig lang daw. After 5mins nakatanggap ako ng tawag sa pamilya niya na pumunta daw ako ng hospital kasi wala daw malay hindi ko alam yung sinasabi palang nilang walang malay. Wala na pala talaga siyang pulso at hininga.

Part 3 Wake

Habang nakaburol naman siya hindi ako nakakatulog hanggat hindi nakatabi sa kabaong yung upuan ko. Para bang magkasama pa rin kami sa iisang higaan, tho di ako natatakot kasi matagal naman kaming nagsama. Merong isang tropa siyang nagbiro sa kaniya sa kabaong na sinabing  "tol, ako na bahala sa gf mo". Nagkasakit yung tropa niya at nagpagamot sa albularyo, sinasabi ng albuaryo na may nakasunod sa kaniyang kamamatay lang at gusto siyang kunin. May times rin na amoy usok ng yosi, amoy bulaklak, or amoy ng perfume niya pag pinaguusapan siya during his wake until 40 days niya. Ang pinakamasakit yung napanaginipan ko siya on his 11th day na sumakay daw siya sa bangka at galing siya sa malayong malayong lugar yung set up ng panaginip ko is nasa simbahan kami. Sabi niya ang ganda daw ng pinuntahan niya at masaya daw siya, yung itsura niya sa panaginip ko is bumalik yung dati niyang itsura nung hindi pa siya nadidisgrasya. Tinatanong ko pa siya kung pwede ako sumama sabi niya hindi daw hayaan ko lang siya. Also may kasama siyang babae sa panaginip ko na nakaveil ng blue at nakatali yung kamay ng ex boyfriend ko gamit nung belt ni mary sa picture. Naalala ko na namanata din ako sa kaniya before mapagaling lang siya. Any thoughts po dito? Alam kong masaya siya pero curious ako dun sa babaeng kasama niya at nakatali kamay niya kung si mary yun or yung tita niyang matagal ng patay


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now