Park Avenue

172 3 0
                                    

PARK AVENUE

This story is nangyari lang last time na mag dorm kami sa Park Avenue Mansion, this first half of 2023 lang.

Since back to face to face classes na, nag decide kami ng kaibigang kong si Benjo na mag dorm na kasi ang layo ng school namin sa bahay namin, Bulacan pa kasi kami galing ang then sa pasay pa ang pasok namin kaya nung nag full face to face na yung classes namin naghanap kami agad ng dorm para narin mas convenient narin pag pumapasok kami.

So, naghanap kami ng dorm na malapit lang sa AIMS and mostly ng makita namin puro kailangan ng PDC, until napadpad kami sa Park Avenue Mansion. Chineck namin ni benjo yung dorm so pagpasok mo palang iba na yung vibes, luma at puro chinese characters yung makikita mo. 14th floor yung naialok samin, alam nyo naman kung nasaang floor kayo kapag asa 14th floor kayo ng building diba. Pumasok kami sa mansion and nung chineck namin yung room, single bedroom,may sofa na maliit tas table bago mag room, may sariling cr, okay na okay dahil may mga gamit narin kasi  fully furnished naman yung inalok samin.

Fast forward, naglipat na kami ng gamit at si Benjo may sinamang isang kaibigan nya na mag dodorm din si RM, trip nya lang daw kase ayaw nya sakanila nung time na yun haha. Sakin naman walang problema para narin makatipid sa monthly dues namin sa dorm.

So ang nangyari is tuwing papasok kami ni Benjo ng school, si RM nandon lang sa dorm, may work din naman sya na work from home, kailangan tahimik kaya pabor din sakanya na magisa don.

Unang araw palang nung ganong setup, pagkauwi namin galing school nagkwento agad si RM samin. “Gagu men, habang natutulog ako kanina lumubog yung bandang dulo ng kama, yung pakiramdam pag may umupo sa gilid mo” edi ngayon kami ni Benjo tinatawanan lang namin sya, kasi wala naman kaming nararamdaman na kahit ano simula nung lumipat kami.

Yung second na may naramdaman naman is si Benjo, tuwing gabi nagpapaiwan yun si Benjo si sala pagkakain kasi bebe time, nagtatangahan sila ng jowa nya magka vc tas parehas naman may ginagawa haha. So bandang 11 pm na nun, dalawa kami ni RM sa kwarto, sya nasa lapag dahil may  foam naman don tas ako natutulog na sa kama. Itong si Benjo daw biglang pumasok, madaling madali dahil yung flush daw ng cr biglang gumana. Kinwento nya samin yon habang nag aalmusal kami kinabukasan, bumawi sakanya si RM ng kanchaw ngayon at ako di parin naniniwala kasi wala naman nga naeencounter, “Tinatakot nyo lang sarili nyo eh” sabi ko. Sabi lang nung dalawa “tignan natin pag ikaw na”. Ako naman natatakot din pero syempre di ko pinapahalata tas tinatawanan ko lang sila.

Ito na nga, one time non, nagising ako ng maaga kasi na jejebs ako, mga 5 AM yon. Pumunta ako ng cr flashlight lang ng cellphone gamit ko. Normal lang naman habang nag jejebs ako scroll ng tiktok fb ganon. Tas nabawasan pa yung takot ko kasi yung kabilang unit namin is narinig ko parang nag peprepare ng pagkain, yung tunog ng lababo, naghuhugas tsaka naghihiwa. And pag nasa cr ka dinig na dinig mo yun kasi isang pader lang naman pagitan non kabilang unit na. Pagkatapos ko mag cr back to tulog na ulit kasi tanghali pa pasok namin ni Benjo nung araw na yon.

Nagaalmusal na kami ni Benjo nung araw na yon, sabi ko pa kay Benjo. “Boi baka yung sinasabi mong flush eh baka dyan sa kabilang unit, dinig na dinig kasi mga ginagawa nila don pag bukas yung pinto ng cr” sabi ko sakanya. Edi sya na relief dahil sa sinabi ko “Nananakot lang yun si RM, natakot naman ako haha” sabi nya. Maya maya nagising na si RM at sasabay na sya mag almusal. Habang kumukuha sya ng plato ako inopen ko nga ulit yung kwento ko sakanya para di narin kami magkatakutan. Nung sinabi ko sakanya yun nagulat kami ni Benjo, “Paanong me mag aayos dyan, eh hindi naman occupied yan. Nagkamali ako ng kuha nung bill last time, sabi sakin nung guard bat bat ko daw kinukuha bill non eh abondoned unit yon” After nung kwento samin ni RM na yon, di na kami pumapayag na may maiwan samin dun sa dorm na yon, lagi narin kami nagpapaalam tuwing aalis kami at walang maiiwan sa dorm.

-Jcrush
2023



📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now