Ilocos University Dorm

61 1 0
                                    

Ilocos University Dorm

Kababalik lang namin ng family ko from Ilocos. At bigla ko naalala yng kwento ng friend ko nung na-billet sila sa isang University dorm sa Norte during a training. Dahil gobyerno, syempre tinipid na naman sila at imbes na hotel, sa isang school dormitory sila pinatulog. 2 babae at 1 lalaki sila pero dahil training team at bakla naman yng isa, nagDecide sila na mag-sama2x sa isang room. Pumayag yng organizer at dorm manager kasi wla naman ibang titira that week at wla na klase. Training lng talga sa mga school officials at govt workers na puro tiga-doon at maguuwian every day.

Dumating sila daytime, maliwanag pa pero pagpasok pa lang, medyo creepy feels na yng friend ko. Super luma na kasi nung dorm, halos kasing tagal na since na-Establish yng state college na yun. Matibay pa yng structure kasi gawa sa mga kahoy ng narra at kamagong, altho yng roof ay makailang beses na inayos. Malalaki yng windows, gawa pa sa capiz, kaya mahangin at may pumapasok naman na ilaw. Pero medyo mabigat daw talga ang pakiramdam, may spaces pa nga raw na parang nakaka-suffocate - yng hallway papunta sa CR area. Communal kasi yng banyo at yng single beds nila ay nakahilera lang sa isang malaking room.

1st night, hiwa-hiwalay pa sila ng bed, alternate at nilagyan ng mga bagahe nila yng empty beds in between them. Pinakamalapit sa door si Bading, samantala yng friend kong professor ang nasa dulo. Dahil mahaba ang byahe at pagod, nakatulog sila ng malalim. Nagising daw si Prof friend kasi parang may naglalakad sa room. Nakaharap sya dun sa door, so kita nya yng 2 kasama nya nakahiga sa beds nila at tulog na tulog. Naramdaman daw niyang biglang lumubog yng side ng bed nya sa paanan...yng parang may naupo. Parang nahila pa nga yng kumot at sumikip kasi parang may nakadagan. Nanlamig na raw sya at natakot. Pinikit na lang daw nya yng mata nya at nagdasal hanggang nakatulog uli. Di na nya nakwento sa mga kasama niya kasi 2 nights pa sila dun matutulog. 

2nd night, yng kasama nyang babae e na-jingle sa gitna ng gabi. Di nila sure kng dahil ba sobrang tapang, sobrang antok o nahihiya pa manggising at magpasama, pero mag-isa syang nagpunta sa CR. Pabalik na raw sya at naglalakad sa kahabaan ng hallway nung may narinig syang parang impit na iyak, mahinang hagulgol ng babae. Nung matapat daw sya dun sa may papuntang pantry, may nakaupong porma ng tao sa stairs. Either mahaba yng hair o may parang belo sa ulo, nakayuko, at naka-halukipkip...kinilabutan na raw sya at nagtatakbo papuntang room.

Kina-umagahan, nagkwento yng babaeng staff at umamin na rin si Prof friend sa experience nya. Kaso, yng bading na kasama nila ay hindi naniwala.  Ang sarap nga daw ng tulog nya at wla naman nararamdamang kakaiba. Naisip nilang magpalipat ng lodgings, pero nahiya na sila kasi 1 night n lng naman. NagDecide sila to stick it out 1 last night, pero magtatabi-tabi na sila ng beds, wla nang gap in-between. Dahil last day ng training session, medyo nakapasyal at nakapag-foodtripping na sila sa plaza. Pagod at busog nung natulog silang tatlo. Namalayan na lng daw ni Prof friend na ginigising sya nung babaeng staff nila, medyo frantic ang shaking sa kanya at tinuturo yng bading sa kabilang kama. Nakita ni Prof friend na nakalutang sa ere si Bakla! Nakalaylay pa nga yng kumot nya pero tulog sya! Pa-sigaw nilang tinawag yng name ni bading kaya nagising ito. Pero nung naRealize nyang naka-float sya sa ere, nagtitili rin ito at dun bglang bumagsak sa bed. Nagyakapan daw silang 3 at sa iisang bed na nagtabi-tabi. Binuksan nila lahat ng ilaw hanggang magliwanag pero di na sila masyado nakatulog. Dali2x na lng nagPack-up at nagCheck-out kinaumagahan para umuwi ng Manila.

📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now