Dalampasigan

81 2 0
                                    

Dalampasigan

Ang tagal ko na wala entry dito. Madami na ngyari like mga bago kwentong office etc. (share ko sa sa susunod na araw). Ngyari eto nung April 22, 2022, Friday, eto kasj pinaka malala lately. Nag out town kami ng partner ko sa Sariaya, Quezon Province.

Eto na kwento, pumunta kami late sa resort mga 1pm na kami dumating. Normal naman lahat mainit, maganda ang beach. Dumating kami sakto kasagsagan ng high tide.

Nung mga passed 6pm - 8pm pababa na ang high tide. Typical resort ang setup, madilim ang dagat na part, pero maliwanag ang resort mismo. Pero sakto lang para maaninag mo yung nasa dagat. Yung sure ka my tao pero di mo makita mukha kahit my suot ka salamin.

After dinner nag decide kami partner ko upo muna sa tabing dagat. Muni muni, sound trip and kwentuhan. Hanggang my napansin kami sa mejo malayo. Alam ko ulo yun kasi bilog at my buhok. Lumakad, lumangoy, or lumutang sya from left side namin until right side. Try namin sya kunan ng pic pero yung layo nya eh hindi sapat. Pero alam namin my tao or entity yun o kung ano man’ yun.

Napansin ko kakaiba sya kasi yung bigla nalang sya sumulpot sa harap namin, left - right mga 7:10-7:30pm to. Sinundan ko to tingin hanggang umatras nalang sya sa dilim. Nag taka partner ko kung ano yun, kung tao ba yun o hindi. Pero para sakin nag masid rin ako sa paligid. Yung shore line kasi makikita mo kung my tao aahon galing sa dagat. Pero nung time na yun wala ako napansin. Pababa na rin yung high tide nung time na yun. Mga 9:45pm low tide na talaga at bago kami umalis sa resort nilakaran namin yung lugar kung saan namin nakita yung ulo na yun.

Sobra weird ngyari, di ko alam kung engkantism ba yun, shokoy, sirena o mga kwento pang dagat na mga mumu nag ppakita sa tao.  I appreciate kung meron kayo ganito experience or na encounter pa share naman rin. 

PS. Umuwi kami ng mga 12am ng partner ko sobra sakit tiyan na. To the point na akaa ko di sya tatablan ng gamot at mag papatawag nako mang-gagamot. Pero sa awa ng Diyos recovering naman sya ngaun.

📜Travel Horror Stories
▪︎2022▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now