Pusa

88 1 0
                                    

Nababasa ko yung stories dito tungkol sa cats na protectors natin sila. Because of that, I have kwento

Takot ako sa mga cr, kasi 100% ng scary experiences ko nangyari sa cr. Like nung bata ako, sa labas ng bahay yung cr namin for a time. Walang bubong, mga pader lang, kasi pinapagawa pa yung main na bahay. Nagpopoops ako sa gabi, may nag-psst sakin 😭 wala kaming kapitbahay, kami unang bahay sa area that time 😭 hindi lang yan, may naririnig akong pumapagaspas na parang malaking ibon sa puno mismong sa likod ng cr nung nagsestay sa amin yung buntis kong tita 😭

Sa dati ko namang apartment nung college pa ko, may batang multo daw na mahilig tumambay sa cr namin. Kwento ito ng both ng friends kong nakakakita, and these friends don’t even know each other 😭 nafeel ko legit, kasi one time bumukas yung pintuan ng cr nang napakabagal, walang hangin, parang horror movie 😭

Sa dating work ko naman, may favorite akong booth (cubicle? Basta toilet area) kasi maganda yung bidet and di masyado marami tao. Tatlong cubicle lang siya and yung ginagamit ko parati yung sa dulo. Medyo kita yung feet pag nag-cr ka, medyo maliit yung door. One time nag-cr ako, narinig ko bumukas and sara yung katabi kong cubicle na parang may gagamit. Paglabas ko nakasara nga yung door, pero walang tao 😭

So ayun nga, back to cats. Pwede po paki-explain sakin bakit lately nafifeel nga ko may nanonood sakin sa cr, at bakit lately din ang hilig ng cats ko na tumambay at ngumiyaw nang malakas sa cr?

Ang weird kasi yung meow nila parang naiwan sila sa cr, yung type ng meow na iniwan mo sa labas mag-isa tapos hinahanap ka nila. Malakas yung meow nila, kaya pinupuntahan ko sila para icheck. Wala namang out of place sa cr, cr pa rin siya. Di ko alam ano nginingiyawan nila, at kung bakit. Lately lang nangyayari, mga two weeks pa lang

Paki-reassure po ako na walang multo 😭 at this point sa damuhan na bagsak ko 😭😭😭



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now