Untitled Part 19

42 6 3
                                    

Sinamahan ako ni Atticus na makabalik sa aking mundo pero hindi rin siya nagtagal dahil kailangan niyang bantayan si Ofelia hanggang sa makatawid ulit ako. Tiyak na hindi rin naman magtatagal ang kanyang paghihintay dahil kailangan ko lamang ng isang araw bago bumalik. Susunduin ako ni Atticus dahil hindi ko alam ang papunta sa kanila.

Sabi niya, tawagin ko lang daw siya dahil naririnig niya ako. Kung paano, hindi namin alam! Wala na iyon sa isip ko ngayon. Ang naiisip ko lang ay ibalik dito si Ofelia.

Lihim ng Unibersidad de Monica? Hindi ko pa rin alam. Hindi ko na mai-connect ang mga nalalaman ko ngayon. Nasa Unibersidad ba ang lagusan papunta sa mundo ni Atticus? Alam iyon ni Ofelia? Bakit kailangan niya pang ipaalam sa akin kung alam niya naman?

Tuluyan na akong napaupo sa lupa at hindi ko na mapigilan ang umiyak dahil sa halo-halong tumatakbo sa aking isipan. Naalala ko rin kasi na katulad ng mga mata ni Atticus, wala rin akong nakitang reflection ko sa mga mata ni Ofelia bago niya ako itulak sa ilog.

Nagbalat-kayo lang ba siya? Bakit? Kung hindi siya si Ofelia, sino siya?

"Monica," tawag ni Heneral Adriano. Magtatakipsilim pa lang kaya madali ko siyang nakita na tumatakbo palapit sa akin. Naka-gray green siyang uniform. Walang mga medalya roon. May hawak lang siyang rebolber pero nakatutok iyon sa lupa habang palapit siya sa akin. Agad niya akong dinaluhan sa lupa. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya. "Bakit ka umiiyak? Anong nangyari sa 'yo?" Ramdam ko ang malalalim niyang paghangos dahil sa pagod.

Napayuko ako habang umiiling. "Si Ofelia," hikbi ko. "N-Nakita ko na si Ofelia."

"Nasaan siya?" kinakabahang tanong niya.

Napailing na naman ako habang umiiyak. Nawawalan na ako ng pag-asa na maibalik dito si Ofelia. Wala akong kaalam-alam sa mundo ni Atticus. Hindi ko pa alam kung totoong mapagkakatiwalaan siya o ginagamit niya lamang ako para maibalik si Ofelia sa kamalayan nito. Pagkatapos ano? Kulunin niya ulit si Ofelia?

"P-Patay na siya." Sa sobrang hina ng boses ko, halos humalo na lang ito sa hangin. Pero narinig pa rin ni Heneral Adriano. Hindi siya nakakilos sa kanyang kinauupuan. Inangat ko ang tingin sa kanya. Namamasa na ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. "P-Pero sigurado akong may lunas. Ibabalik ko siya rito nang buhay." Agad akong napunas ng luha. "Hindi ako p'wedeng mawalan ng pag-asa. Ibabalik ko siya rito." Mabilis akong tumayo at naglakad palabas ng gubat kaso napatigil din ako sa paglalakad dahil hindi ko alam ang daan palabas. "Heneral Adriano," tawag ko sa kanya na ngayon ay nakaupo pa rin at nakatalikod sa akin. "Wala na siyang pulso nang abutan ko. Pero siguradong may lunas. Baka nasa ilalim lamang siya ng majika."

Tumayo siya at saka ako hinarap. Pilit niyang tinapangan ang kanyang mga mata ngunit hindi niya maitatago ang takot at pighatid. "Majika? Ipipilit mo pa ring nasa mundo siya ng mga engkanto?" seryosong wika niya sa malalim na boses. Bigla akong kinabahan dahil ramdam ko rin ang galit niya. "Nasaan siya? Gusto ko siyang makita, Monica," utos niya.

Mabagal akong umiling. Nananakit na rin ang lalamunan ko dahil pinipigilan ko ang sarili na umiyak. Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman ni Heneral Adriano. Ang bigat sa dibdib. "Hindi ka makakapunta roon," mahinang wika ko nang hindi inaalis ang tingin sa kanya upang kanyang maramdaman na seryoso ako at totoo ang sinasabi ko. Huminga ako nang malalim. "Kung ayaw mong maniwala sa akin, wala na akong magagawa. Hindi ko nga maintindihan kung bakit nakikipagtulungan pa ako sa inyo ni Enchong samantalang wala ni isa sa inyo ang naniniwala sa akin."

Tumalikod na ako at saka iginala ang tingin. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Hindi ko alam kung saan ako lalabas.

"Nagagawa mong makalabas mula sa kanilang mundo, ngunit hindi sa gubat na ito. Paano ko paniniwalaan ang iyong kahibangan?" walang ganang tanong niya at saka naunang maglakad palayo sa akin. Hindi ko rin alam ang sagot sa kanyang katanungan.

Lost in 19th CenturyWhere stories live. Discover now