Untitled Part 16

30 6 0
                                    

Noong pagpunta ko rito, ang daming sundalo sa paligid. Pero ngayon, hindi na. Kakaunti na lang sila sa paligid. Ang laki ng bahay ni Heneral Adriano. Mas malaki pa ito sa bahay nina Ofelia, e. Kasi maliban sa bahay, may mahabang gusali pa sa likuran. Parang may maliit na community sa bakuran niya.

"Bakit dito mo sila tinago?" bulong ko habang naglalakad kami papunta sa mahabang gusaling nasa likuran. Wala akong makitang masyadong kasambahay. No'ng huling punta ko kasi rito, inirapan lang ako no'ng isa, e. Mukhang wala naman silang pakialam kay Heneral Adriano rito.

"Hindi sila magtatangkang maghanap sa aking bakuran," aniya. Mabagal akong napatango at hindi na nagtanong pa dahil baka may iba pang makarinig sa amin. Mukhang walang alam ang mga kasamahan niya rito, e. nang makapasok kami sa dulo ng gusali kung saan walang katao-tao, hinarap na ako ni Heneral Adriano. "Malamang na natutulog sila. Puntahan mo sila sa sótano," sabay turo niya sa hagdan papunta sa basement.

Tumango lang ako. Madilim sa hagdan kaya kinailangan ko pang kapain ang pader para hindi ako malaglag. Maya-maya pa ay nakakita na ako ng kaunting liwanag na nanggagaling sa isang maliit na bintana na nasa itaas. Pumapasok din ang hangin. Mukhang hindi pa ito ang basement. Tinahak ko lang ang maliit napasilyo hanggang sa may makita akong isang pinto.

"Chong," mahinang sambit ko sabay katok. Ilang sandali pa ay binuksan niya na ang pinto. Naabutan ko si Manang Esme na nakaupo sa papag. Maayos naman ang kalagayan nila rito. May mga pagkain pa sa lamesang nasa gilid. May gaserang nakasabit sa pader na nagbibigay liwanag sa buong silid. Medyo malamig ang silid dahil sa makakapal na pader. "Pasensya na, ngayon lang ako nakadalaw," mahinang wika ko at saka sinara ang pinto para walang ibang makakita sa amin. Alam ko namang nasa taas lang si Heneral Adriano, nagpapanggap na may hinahanap sa mga nakatambak na papel kaya safe kami rito. "Kamusta po ang inyong kalagayan?" tanong ko kay Manang Esme.

Noong huling kita ko sa kanya, medyo namamayat pa siya. Pero ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya. "Hindi dapat ako ang iyong inaalala, Monica," mahinang wika niya. Ang seryoso rin ng mga titig niya. "Nilalapitan ka pa ba niya?" kinakabahang tanong niya.

"Simula po no'ng sunog, hindi na po."

Medyo kumunot ang noo niya at saglit na napaisip. "Wala siyang sinabi ngunit alam kong nais niya akong patahimikin. Tama ang ating kutob, nasa kanila si Ofelia." Nanlalaki na ngayon ang mga mata niya. Para na siyang tinatakasan ng bait. Nagulat pa ako noong bigla niyang hinawakan ang braso ko nang sobrang higpit. Nasasaktan ako pero hindi ako makapalag sa sobrang gulat. "Bakit hindi ka na niya nilalapitan?"

"Inang," sambit ni Enchong. Pinipilit niyang tanggalin ang kamay ni Manang Esme sa pagkakahawak sa akin kaso masyadong mahigpit ang grip nito. "Ate Monica, mabuti pa po'y lumabas na muna tayo," ani Enchong. Kinakabahan man ay tumango ako nang mabilis at pilit pinabitaw si Manang Esme. Medyo nakahinga ako nang maluwag nang makalabas na kami. Ang sakit ng braso ko. "Pagkagising niya po sa pagamutan, naging ganyan na po siya. Hindi na po makausap nang maayos. Sabi po niya'y ang engkanto raw ang may kasalanan ng lahat."

Mariin akong napalunok. Lalong nadudurog ang puso ko dahil sa nangyari kay Manang Esme. Pati tuloy ako ay natatakot nang hanapin si Ofelia. "Ikaw, Chong? Naniniwala ka ba sa engkanto?" bulong ko.

Hindi agad siya nakasagot. Nanatili siyang nakatingin sa mga mata ko pagka'y mabagal siyang umiling. "Naniniwala po ako na mga rebelde ang dumukot kay Ate Ofelia dahil sa sugat na meron ang Inang."

"Dahil lang do'n?" kunot-noong tanong ko na tinanguan niya. Hindi! Hindi ako naniniwala dahil nakita ko mismo! Nakita ko si Atticus at ang mundo nilang kakaiba. At imposibleng mawala ako nang gano'n katagal nang hindi ko namamalayan. Ano ako, nahihibang? No way! "Paano nila nasabing nagtaksil kayo? Wala naman kayong ginagawang masama, ah!"

Lost in 19th CenturyWhere stories live. Discover now