Untitled Part 17

39 6 0
                                    

Dati, kapayapaan ang dala sa akin ng tahimik na lugar. To the point na mas nagiging totoo ako sa sarili kapag mag-isa ako, kapag wala akong kakilala. Kaso iba ngayon. Kinakabahan ako habang kasama ko si Atticus kahit na wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Hindi pa rin kasi ako sigurado kung siya ba ang nagpasunog ng bahay ni Manang Esme.

"Atticus," tawag ko dahilan para mapatigil siya sa paglalakad at saka ako nilingon. "Bakit kapag napupunta ako sa kuta ninyo, pagbalik ko rito, ang tagal ko na palang nawawala?" tanong ko. Gusto kong umiwas sa kanyang tingin pero hindi ko ginawa.

Hindi agad siya nakapagsalita. Mahina siyang bumuntong-hininga at napatingala sa kalangitang parang binudburan ng glitters sa dami ng stars. "Tulad ng sabi ko'y maging kami, namamangha sa hiwagang dala ng kagubatan," kalmadong wika niya. Puno rin ng pangangamba ang mga mata niya. Hindi ko siya mabasa. Niloloko niya ba ako o totoong minsan lang siyang naligaw roon?

"Kapag pumunta tayo roon ngayon, baka hindi ko maabutan ang misa bukas," paalala ko.

Napangiti siya at napalingon sa akin. "Hindi kita dadalhin doon. Dito lamang tayo sa iyong mundo," aniya na parang sinadya niyang madulas sa huling pangungusap. Na gusto niyang maunawaan ko na ibang mundo na ang napuntahan namin dati. Mabilis akong napakurap at napalunok ng mariin. "Huwag kang matakot, Monica. Hangga't kasama mo ako, hindi ka mapapahamak."

Saglit akong natahimik. Pero sumama pa rin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kahit natatakot ako, alam ko pa ring hindi niya ako ipapahamak. Na may gusto lang siyang ipahiwatig na hindi niya magawang sabihin nang diretso. Nahihiwagaan ako kay Atticus.

Napatigil ako sa paglalakad nang marating namin ang ilog kung saan ako dati nalunod. Banayad ang hangin dito pero sobrang lamig. Humigpit ang yakap ko sa aking balabal at napansin iyon ni Atticus.

"Umaga dapat kita dinadala rito upang hindi malamig at hindi delekado para sa iyo," aniya na may pag-aalala ang mga mata.

Pilit akong ngumiti. "Ayos lang. Bakit tayo nandito?" Iginala ko ang tingin sa paligid. Hindi maikakailang maganda rito kapag gabi dahil sa dami ng lumiliwanag na alitaptap malapit sa puno ng balete. Dagdag pa ang mga bituin, liwanag ng buwan, lamig ng hangin na siyang sumasayaw sa sanga ng mga puno... it looks magical.

"May ipapakita ako sa iyo," aniya. Sinenyasan niya akong sumunod. Naglakad kami hanggang sa gilid ng ilog. Lumuhod siya roon at ako naman ay nanatiling nakatayo at tiningnan ang ilog na sinisilip niya. Kahit gabi na, malinis pa ring tingnan ang tubig. "Nais mong makita si Ofelia, hindi ba?"

Para akong mabubuwal sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. Lulunurin niya ba ako dahil hinahanap ko si Ofelia? Pero hindi naman mukhang nagbabanta ang tono niya. "Hindi, 'no," sambit ko. Gusto ko nang umalis kaso hindi ko maihakbang ang mga paa ko.

Napalingon siya sa akin. Bakas sa mga mata na nag-aalala siya. "Paano mo siya mahahanap kung itatanggi mo siya?"

Napaawang ang mga labi ko. Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Iyong kuliglig na naririnig ko kanina, nasapawan na ng kabog ng dibdib ko. "I-Ikaw ba ang sumunog sa bahay ni M-Manang Esme?" Halos wala nang boses na lumalabas sa bibig ko dahil sa sobrang kaba.

Mabagal siyang umiling. Ang lungkot ng mukha niya. "Hindi ako nananakit, Monica. Ngunit ang ginawang panghihimasok ng nilalang na iyon ay labag sa batas ng mga mortal at batas namin."

Bahagyang umawang ang mga labi ko. Inaamin niya nang hindi siya tao! "Kung gayon, sino?" sobrang hinang tanong ko. Iginala ko ang tingin sa paligid. Sobrang payapa ng lahat. Ako lang talaga itong nakakaramdam ng takot. Pero ang kalikasan, pilit akong pinakakalma. Na parang sinasabi nitong kakampi ko sila at huwag akong matatakot.

Lost in 19th CenturyWhere stories live. Discover now