Untitled Part 2

43 5 0
                                    

Nakatulala lang ako sa kesame na gawa sa kulay brown na kahoy. Nandito ako sa maliit na ospital. Hindi ko alam kung matatawag bang ospital 'to. Habang ginagamot kasi ako ng nurse, parang mas gusto niya akong saktan lalo.

Kahit papaano ay nararamdaman ko na ang katawan ko. Wala naman akong bali pero sobrang sakit ng katawan ko to the highest level! Kaunting galaw ko, kumukirot na agad ang mga kasu-kasuhan ko. Ang dumi na rin ng soot kong damit dahil hindi nila ako pinagpalit. Bumukas ang pinto kaya agad akong napaupo at tiningnan ang pumasok. Nasa labas pa rin siya habang sa tabi niya ay isang sundalo na siyang bumukas sa pinto.

Prinsipe 'yarn? May taga-bukas ng pinto?

Inirapan ko lang siya at saka umiwas ng tingin. Humakbang siya papasok at saka sinara ang pinto. Ngayon ay kaming dalawa lang ang nasa loob ng silid. Hinayaan niya akong makatulog buong gabi. Siguro para malinaw na ang isip ko ngayong umaga kapag in-interrogate niya ako ngayon.

Hindi naman talaga ako nakatulog, e. sinong makakatulog kung malaman nilang nasa colonial era sila? Matatanggap ko pa kung simpleng mamamayan ako. Pero hindi, e. Isa akong suspect ngayon. Galit lahat sa akin. Paano ko ipagtatanggol ang sarili ko sa batas ng mga dayuhang ito?

"Hindi ka namin sasaktan kung aaminin mo kung nasaan ang iyong mga kasamahan," mahinahong wika niya dahilan para gulat akong mapalingon sa kanya. Nanatiling walang emosyon ang mukha niya. Siya na rin ang unang umiwas dahil titig na titig ako sa kanya. So tama ako? Nasa Spanish era ako? Hindi siya makatingin, e. Sobrang conservative ng mga tao rito.

"Hindi sasaktan pero nakaratay na ako rito," mahinang wika ko. Namamalat pa rin kasi ang lalamunan ko. Daig ko pa ang naglecture maghapon nang walang pahinga. Kahit tubig break man lang. "Hindi ako rebelde. Wala rin akong kinalaman sa pagkawala ng Ofelia na 'yan."

Saglit niya akong sinulyapan. "Kung gayon, bakit wala kang cedula? Paano mo patutunayan na hindi ka isang tulisan?"

Napaiwas ako ng tingin at agad na nag-isip ng palusot. Kung nasa Spanish era ako, hindi sila maniniwala na galing ako sa future. Dapat ay magpanggap na lang muna ako hanggang sa makabalik lang ako sa panahon ko. "Nalunod ako, hindi ba?" tanong ko sabay tingin sa kanya. "Nabasa ang cedula ko. Malamang ay punit-punit na iyon sa bulsa ko."

Hindi siya kumibo pero parang kumbinsido siya sa sagot ko. "Saang bayan ka galing? Bakit tila walang nakakakilala sa iyo rito sa Las Casas?"

Wala talagang makakakilala sa akin. Ni ako nga, hindi alam kung sino sila at kung nasaan ako. Las Casas? Ngayon ko lang 'yan narinig. Mabilis akong nag-isip ng kasinungalingan kahit pa madalas kong sinasabi sa students ko na masama ang magsinungaling. Buhay ko ang nakasalalay rito. Exemption naman siguro ito.

Mariin akong napalunok. "Galing akong... galing ako sa Laguna," taas-noong sagot ko. "Pero matagal na iyon. Doon lang ako pinanganak tapos lumipat kami ng Maynila. Doon kami tumira ng limang taon. Tapos lumipat na kami sa Hong-Kong. Doon ako nag-aral. Ngayon lang ako nakauwi rito. Muntik pang malunod. Tapos ngayon, dinakip niyo ako at binugbog para paaminin sa kasalanang hindi ko naman ginagawa. Hinahanap niyo pa sa akin ang taong hindi ko naman kilala. Kapag nakalaya ako, di na ako babalik sa Pilipinas!" malakas na sabi ko pero parang wala lang iyon sa kanya dahil namamalat pa rin ang boses ko.

Hingal na hingal ako pagkatapos kong sabihin lahat ng kasinungalingan na iyon. Kung may sapat na lakas lang talaga ako, sasampalin ko siya. Kasi wala, e. Magsasayang lang ako ng natitira kong lakas dahil magmumukha lang na tapik iyon para sa kanya.

"Kailan ka umuwi rito?" tanong niya. Aba, interrogation na nga ang nangyayari. Wala akong abogado. All by myself lang ako nito. "Sino ang iyong kasama? Saan ka tumutuloy at bakit ka nando'n sa tabi ng ilog kung saan madalas magpalipas ng oras si Ofelia?"

Lost in 19th CenturyWhere stories live. Discover now