Untitled Part 14

33 6 1
                                    

Napapakamot na lang ako sa noo habang pinagmamasdan ang madilim na kulungang kinaroroonan ko. May lamesang gawa sa makapal na kahoy at may dalawang silya na magkaharap doon. Walang gasera kaya madilim. Sabagay, madaling araw pa lamang ngayon. Lakas din talaga ng trip ni Heneral Adriano.

Pero at least, hindi niya na ako kinaladkad papunta rito. Hinayaan nila akong sumakay nang maayos sa karwahe. Kaso shuta! Nakaagaw na naman ako ng atensyon ng mamamayan. At balik na naman ako sa kulungang ito!

Napatingin ako sa labas ng rehas nang makarinig ako ng mga yabag papalapit. Unti-unti ay nagkaroon ng liwanag dahil sa dala niyang gasera. Binuksan niya ang rehas at saka pumasok. Pagkalapag niya ng gasera sa lamesa, may nilapag din siyang platito roon na may tatlong itlog.

"Pinaglololoko mo ba ako?" inis kong tanong kay Heneral Adriano. Tiningnan niya lang ako at saka sinenyasan na lumapit. Tumingin din siya sa tatlong itlog na nasa lamesa. Nanatili akong nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay. Basagin ko kaya 'yang itlog sa pagmumukha niya para malaman niya kung gaano ako ka-badtrip sa kanya ngayon?

"Kumain ka," utos niya at saka marahang tinulak ang mga itlog papalapit sa akin. Parang may pagbabanta sa boses niya.

"Paano kung may lason 'yan?" inis kong sagot.

Kinuha niya ang isang itlog at saka mabilis na binalatan. Pagka'y kinain niya iyon habang nakatingin sa akin. Napairap na lang ako at saka lumapit at kumuha ng isang itlog kaso kumunot ang noo ko nang mapansing may nakasulat dito.

'Kailangan ko lamang itong gawin upang hindi sila maghinala. Makalalaya rin kayo,' iyon ang nakasulat sa balat ng itlog. Napakurap ako nang dalawang beses at saka umangat ang tingin sa kanya. "Upang may lakas kang sagutin ang aking mga tanong mamaya," seryosong sabi niya pa. Hindi pa man ako nakapagsasalita ay lumabas na siya at sinara ang rehas. Iniwan niya rin ang isang gasera at dalawang itlog. Agad kong binalatan ang itlog na may sulat bago pa may ibang makakita nito. Pinagdudurog ko rin ang balat at saka inihalo sa lupang kinatatayuan ko.

Kinuha ko rin ang isa pang itlog at natawa nang makitang may drawing itong smiley face. Nakakainis talaga! Bigla tuloy akong na-curious kung anong nakalagay doon sa itlog na kinain ni Heneral Adriano. Kinain ko ang huling itlog at saka tiningnan iyong binalatan ni Heneral Adriano. May nakasulat doon kaso hindi ko na maintindihan dahil nag-smudge na siya.

Dali-dali kong nginuya ang itlog nang may marinig na naman akong mga yabag papalapit. Hanggang sa makita ko si Pedro na iritableng pinasok dito ng mga Guardia. Nang magtama ang tingin namin, biglang nanlaki ang mga mata niya. Hindi rin siya nakakilos sa kinatatayuan niya kaya kinailangan pa siyang itulak ng isang guardia papasok.

"Pati ikaw?" sabay naming sambit nang makaalis na ang mga Guardia.

Pareho kaming natawa pero bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Ako kasi, panatag na na makakalabas din kami rito dahil sinigurado ni Heneral Adriano. "Talagang siraulo na ang Heneral Alcantara na iyon," bulong ni Pedro habang nakatingin nang masama sa labas ng gate.

"Hindi niya tayo ipapahamak. Pero kailangan nating ayusin ang sagot natin," bulong ko at saka kami nagtungo sa dulo ng kulungan para pag-usapan ang dapat naming isagot. Kay Pedro, p'wede niyang sabihin na bilang tapat sila sa kanilang tungkulin bilang manggagamot, ginawa lang nila ang nararapat; ang gamutin sina Manang Esme. Pero pagkatapos no'n, sabi ni Pedro ay nagtungo na si Doctor Benitez sa tanggapan nina Heneral Adriano. Mga bandang alas-quatro iyon ng umaga. Nang mga oras na 'yon ay nakabalik na si Heneral Adriano sa kanyang bahay so kapag pinuntahan siya roon ng mga sundalo, nando'n siya, natutulog. Walang maghihinala.

P'wedeng pasinungalingan ni Pedro ang tungkol sa nakita ng iba na siya ang isa sa mga tumulong kina Manang Esme at Enchong. 'Tsaka ba't niya naman tutulungan ang mga ito samantalang hindi niya naman ito kilala?

Lost in 19th CenturyWhere stories live. Discover now