Untitled Part 6

32 5 0
                                    

Ilang minuto pa kaming tahimik na nakaupo sa bangko habang nakatingin sa mga bituin. Habang lumalalim ang gabi, mas dumarami at mas kumikinang ang kislap ng mga iyon. Pero kung ano ang kinaliwanag ng mga iyon, gano'n din ang kinadilim ng buhay ng katabi ko.

Napahikab ako at mas humigpit ang yakap sa balabal kong soot. Ang lamig na rin kasi. Ang totoo niyan, tinatamaan na ako ng antok. Hindi ko lang siya maiwan. Parang kailangan niya ng makakasama, e. Kung nandito lang si Ofelia, baka hindi siya nalulungkot ngayon.

"Siguradong kung nasaan man si Ofelia ngayon, maayos lang siya," mahinang sambit ko habang nakatingin din sa mga bituin. Iyon kasi ang huling nakita ko kay Ofelia. Kahit hindi niya mahanap ang daan pabalik, alam kong nasa maayos siya. Pasasaan at makakauwi rin siya sa dati niyang buhay.

"Ibig sabihin, alam mo kung nasaan siya?" sambit niya dahilan para matahimik ako agad. Parang gusto kong tampalin ang bibig ko dahil ako lang talaga ang gumagawa ng mga rason para lalo niya akong pagdudahan.

Tumikhim ako at humugot ng kapal ng mukha para magsinungaling na naman. "Ang ibig kong sabihin, nararamdaman ko na nasa maayos lang siya. Alam ko lang. Kasi... 'yong mga tao sa paligid niya, hindi nawawalan ng pag-asa na makakabalik siya nang maayos." Kung may most liar lang na award, baka ang dami ko nang medal sa dami ng kasinungalingan ko rito.

Kung nasaan ka man, Ofelia, sana magpakita ka na sa amin.

"Sana alam mong hindi ka magaling mag-sinungaling," seryosong sagot niya dahilan para mapaawang ang mga labi ko. tumayo na lang siya at saka nagpamulsa sa kanyang maluwag na pantalon. Nakatingala pa rin siya sa kalangitan. "Magtatanong pa naman sana ako tungkol sa sinabi sa iyo ni Javier Abalos ngunit paano kung magsisinungaling ka lang naman?" Nagsimula na siyang maglakad palayo sa akin.

Agad akong tumayo. "Sandali, Adriano!" tawag ko sa kanya pero hindi ko malakasan ang boses ko dahil baka makagambala ako ng ibang tulog na. Nilapag ko ang baso sa bangko at saka siya sinundan. Mabuti na lang talaga at walang katao-tao sa oras na ito. "Gusto niya kasing turuan ko ang kapatid niyang si Agua. Hindi ba't mas maganda iyon para mapasok ko ang lugar ni Ofelia?"

"Turuan?" sambit niya sabay lingon sa akin saglit pero hindi siya tumigil sa paglalakad. "Hindi ka mukhang guro."

"Judgmental?" sambit ko pero hindi niya ako inintindi. Tuloy lang siya sa paglalakad at hindi ko alam kung papunta na kami sa kung saan. "Pero iyon ang totoo. Kinausap niya ako para kay Agua. Ayaw mo ba sa naiisip ko? Kapag napalapit ako sa kanila, mas marami akong malalaman na makakatulong sa atin," dugtong ko. iniiwasan kong lakasan ang boses ko.

"O baka ginagawa mo iyan para sa kapakanan ng inyong samahan," aniya sabay tigil sa paglalakad at saka ako hinarap. Ang lalim ng tingin niya na parang pati kaluluwa ko, sinusuri niya. Lalo akong kinakabahan. Parang sasaktan niya ako any minute now. "Isang kahibangan talaga ang makipagtulungan pa sa inyo. Oras na malaman ko na totoo lahat ng aking hinala, ako mismo ang papaslang sa iyo," tugon niya habang diretsong nakatingin sa akin.

Hindi ako makapagsalita o makagalaw. Parang seseryusohin niya talaga ang tugon na iyon.

Tumalikod na siya sa akin at tuluyan nang naglakad palayo hanggang sa mawala na sa paningin ko ang bulto niya. Napabuga na lang ako ng hangin habang sapo ang aking dibdib para pakalmahin ito. "Paano ko ba makukuha ang tiwala ninyo?" mahinang wika ko sa aking sarili.

KINAUMAGAHAN, alas tres pa lang ng umaga, gising na kami. Pero hindi talaga ako nakatulog kakaisip sa pinag-usapan namin ni Heneral Adriano. Buwag na ba ang team namin nina Enchong?

"Tila namamaga ang inyong mga mata," puna ni Aling Naning nang abutan niya kami ni Vida na nakaupo sa kusina at nagkakape. Pansin ko na wala na ang usok ng iniinom ko. Parang nanlamig na.

Lost in 19th CenturyWhere stories live. Discover now