Untitled Part 1

134 5 3
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

Kanina pa ako nakatulala sa screen ng laptop. Ni hindi ko magawang kumurap kaya ramdam ko ang unti-unting paghapdi ng aking mga mata dagdag pa na mahangin din gawa ng electricfan na nasa aking likuran at ang hangin ay paikot-ikot lamang sa loob ng silid.

Ewan ko ba. Wala namang ibang tao, tahimik ang paligid pero ramdam kong may bumabagabag sa akin.

Napasandal ako sa upuan at inabot ang tasa ng kape ko na mainit pa naman. Nagpatimpla talaga ako ng kape sa canteen para kahit papaano ay magising ang diwa ko. Habang humihigop ng mainit na kape sa nang tanghali ay napatulala na naman ako sa screen.

Ala-una ng hapon, sa loob ng silid-aralan, mag-isa ako, walang mga mag-aaral dahil Linggo, kakaunti ang guro ngayon na alam kong nandito sa paaralan ngunit hindi ko makita kung nasaan. Malamang ang iba sa kanila ay nasa kanya-kanya nilang silid at nagtatrabaho. O baka ang iba ay umiidlip. Sobrang nakakaantok kasi.

Oh pak! Makata na ba? Galing ko ba do'n? kailangan kong maging makata dahil gumagawa ako ng script na isasadula ng mga estudyante sa nalalapit na buwan ng wika. Isa akong Filipino teacher na ang passion ay ang pagsusulat. Noong estudyante ako, nagkaroon ako ng karanasan sa paggawa ng script dahil sa club na sinalihan ko.

"Hi, Cher Monica!" bati sa akin ng bigla na lang dumungaw sa bintana na katabi ko. Agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat. Natawa naman siya nang makita ang mukha ko. "Kanina ka pa tulala, e." napatingin siya sa screen ng laptop ko tapos ay napakunot-noo dahil hindi niya ito mapagmasdan nang maayos. Maliban sa mababa ang brightness, maliliit din ang font size.

"Hindi ko masimulan 'yong script, e." Napakamot ako sa likod ng ulo ko habang nakatingin na naman sa blank slate na nasa screen. Puting-puti, ang linis. Walang laman. Pumasok si Sir Peter sa classroom at saka naupo sa isang upuan ng mga estudyante. Buti at nagkasya siya lalo pa't grade 1 ang hina-handle-an ko. Maliliit ang chairs. Medyo inusog niya lang ang upuan para makaupo siya. "Bakit pala? May tsismis ba?" natatawang tanong ko na tinawanan niya lang din.

Medyo naniningkit ang mga mata ni Sir Peter kapag natatawa o nakangiti. Makakapal din ang kanyang kilay, matangos ang ilong, maninipis ang mga labi, matangkad at moreno. Kung nasa college kami, crush ko 'to. Siya iyong definition ko ng tall, dark, and handsome. Kaso nakilala ko siya ngayong teacher na kami. As in, puro acads na lang ang topic at mga activity sa school na walang katapusan.

Pag-gising sa umaga, papasok sa school at magtuturo, during breaks ay gagawin ang ibang paper works at minsan, kapag may pinapa-activity kami sa students, time naman naming iyon to do our own paper works. Pag-uwi, gagawang lesson plan, visual aids, and other paper works. Siguro iyong iba, hindi na masyadong nag-eeffort sa visual aids. Pero sa lagay ko bilang grade 1 teacher, kailangan kong pag-isipang mabuti lalo pa't karamihan sa students ko ay visual learner.

"Gusto mo ba ng tsismis?" natatawang tanong ni Sir Peter. Naka-white polo shirt siya na may lodo ng school namin. Naka-itim na slacks naman siya at puting sapatos.

Lost in 19th CenturyWhere stories live. Discover now