Untitled Part 9

38 5 1
                                    

Hindi pa rin mawala sa isip ko lahat ng sinabi ni Senyora Malou. Ako ba ang sinasabi niyang pinili na magliligtas kay Ofelia? O baka wala lang talagang choice si Ofelia kun'di piliin ako dahil ako ang kanyang willing victim? Nagkusa akong sumama sa kanya, e. Hindi niya ako pinilit.

Pero ang alam ko, patay na si Ofelia. Bakit ang sabi ng manghuhula, natutulog ang diwa ni Ofelia sa lugar na malapit lang sa amin?

"Cher Monica," ani Agua dahilan para mapabalik ako sa ulirat. Nandito kami sa silid-aralan niya, nakaupo sa sapin na nasa sahig habang binabasahan ko siya ng k'wento. Gusto ko kasing maagaw muna ang kanyang atensyon kaso sa kalagitnaan ng k'wento, bigla na lang akong natutulala dahil sa mga narinig ko kanina.

Hindi naman ako naniniwala sa manghuhula pero gusto kong makausap si Senyora Malou gayong may ilan siyang sinabi na tama.

"Bakit ka natutulala? Inaantok ka pa ba?" nakangusong tanong ni Agua dahil. Nasa climax na kami ng short story, e. Syempre, mabibitin talaga siya dahil bigla akong tumigil. Mabilis akong umiling at pilit binalik ang sarili sa ulirat.

"Hindi po, Agua," sabi ko sabay hinga nang malalim. Pansin ko na hindi pa rin siya marunog mag-po and opo. Nakaka-bother makipag-usap sa batang ganito. "Bakit kaya sobrang bilis tumanda ni Simon?" pagbabalik ko sa k'wento. Ang totoo niyan, wala ito sa libro. Gumawa lang ako ng sarili kong k'wento.

"Dahil mabilis ang panahon?"

Mahina akong natawa at umiling. "Dahil bata pa lamang po siya ay asal matanda na siya. Mahilig siyang sumingit sa usapan ng matatanda, pabalang kung sumagot, hindi rin siya gumagamit ng po at opo sa tuwing makikipag-usap siya sa mas matanda sa kanya na tila ba kaedad niya lamang ang mga ito."

Mabagal siyang napatango. "Bakit kailangan nating mag-po at opo?" Medyo kunot ang kanyang noo. May mga tao talaga na hindi ugali ang mag-po at opo at wala na akong magagawa roon dahil iyon na ang kinalakihan nila. Sabi nga nila, mahirap nang turuan ang matanda.

"Para po maipakita natin ang paggalang sa matatanda," maingat at mabagal na sagot ko.

"Ngunit bakit nagpo-po ka sa akin? 'Di hamak na mas bata ako sa iyo." Gulong-gulo na talaga ang mukha niya. Gusto kong matawa pero pinipigilan ko dahil ayokong isipin niyang nakakatawa ang maging curious sa mga bagay-bagay. Ang cute lang kasi ni Agua.

"Oo nga, 'no? Bakit ako ang nagpo-po sa iyo? Bakit hindi ikaw ang nagpo-po sa akin?" nakakunot-noong tanong ko sabay pameywang para kunwari ay galit ako. Mahina siyang natawa, nagtakip pa siya ng bibig dahil mukhang nahihiya siya. "Nagpo-po ako sa iyo dahil kahit bata, kailangan ding galangin. Palagi nating tatandaan na ang paggalang ay hindi lamang sa matatanda, kun'di sa lahat ng nilalang."

"Kahit sa aming mga tagapagsilbi?" gulat niyang tanong.

Tipid akong ngumiti. "Maging sa inyong mga tagapagsilbi. Dahil sila ang mga taong nagpapagaan sa inyong buhay araw-araw. Hindi mo ba pansin? Sa tuwing pupunta ka sa inyong hapag-kainan, nakahain na ang inyong pagkain. Hindi mo na kailangang magluto pa. Sila na ang gumagawa no'n para sa inyo."

"Dahil alipin sila," aniya na parang normal na word lang ang sinabi niya.

Umakto akong gulat na gulat sa sinabi niya. Pati siya, nagulat sa inakto ko. "Hindi sila alipin, Agua," singhap ko.

"Alipin sila," sabi ni Don Cesar na bigla na lang sumulpot sa pinto ng silid-aralan na para bang kanina niya pa kami pinakikinggan dito. "Bakit mo tinuturuan ng mali ang aking anak? Hindi ba't ang trabaho mo rito ay turuan siyang magbasa at magsulat?"

Mabilis akong napakurap. Sino siya para pakialaman ang strategy ko sa pagtuturo? Chariz! Alam ko namang concern lang siya sa mga matututunan ng anak niya pero hindi ako makapaniwala na tinuturuan niya ng mali ang sarili niyang anak.

Lost in 19th Centuryحيث تعيش القصص. اكتشف الآن