Chapter 27

10 2 0
                                    



Scarlet pov


Nagulat si ace ng papiliin ko sya saming dalawa ni cleo. Expected ko naman na si cleo ang pipiliin nya pero gusto ko mang galing sa bunganga nya. Alam ko napaka wrong timing ng sinabi ko. pero kung eto lang ang paraan para makalimutan ka sorry ace kung magiging selfish ako sa part na to. 



"bakit mo sya pinapapili! kung totoong kaibigan ka talaga nya alam mo sa sarili mo ang dapat mong gawin!" naiinis na sabi ni cleo sakin, pero hindi ko sya pinansin at nakatingin lang ako kay ace na mukang naguguluhan



"Gusto ko mang galing sa bunganga ni ace, mamili ka na ng makaalis na ako dito" seryoso kong sabi, nakatingin lang sya sa mata ko at parang na statwa dahil hindi sya makagalaw, sila liam naman at noah mukang naguluhan din sa sinabi ko kay ace, si owen naman nakatingin lang sakin na parang awang awa sa kalagayan ko ngayon.



oo na putangina ako na kawawa!



"Scarlet naman!" mahinahon nyang sambit sakin habang nagpapalipat lipat ang tingin nya saming dalawa ni cleo



"JUST FUCKING CHOOSE ACE!!" sigaw ko pero hindi pa din sya nag sasalita at tinitigan lang ako



alam ko naman talaga sino pipiliin nya ayaw ko lang tanggapin kaya gusto ko marinig mismo sa bibig nya. ilang minuto pa ang lumipas pero walang lumalabas sa labi ni ace.



"Happy birthday Alcantara! " saka ko binigay sa kanya ang maliit na box galing sa bulsa ng jacket ko, 



bago ko sya tinalikuran ngumiti naman ako. Ngiti na nag sasabi be happy.




nag lakad ako ng palayo sa kanila hindi ko alam kung saan ako aabutin ng paa ko dahil nasa loob ng bahay yung sasakyan ko. Basta gusto ko magpaka layo layo muna sa kanila. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko



"SCARLET!" tawag sakin ni ace hindi pa naman ako masyado nakakalayo sa kanila "IKAW ANG PINIPILI KO!!!" sigaw nya ulit ngumiti ako sa kanya ng mapait



"I KNOW ACE!" saka ulit ako naglakad palayo.



Hindi ko mapigilan maiyak, tangina ang sama ng araw na to lahat ng sama ng loob nararamdaman ko na, gusto ko magpaka layo layo sa lugar na to hindi na ako makahinga sa bigat ng nararamdaman ko. 



Alam ko naman kase na ako pipiliin nyang lumayo bakit kase nag assume ka pa ayan nasaktan ka tuloy.

I Fell Inlove with my BestfriendWhere stories live. Discover now