Chapter 7

14 1 0
                                    


Scarlet pov.



"Mr. Chan magandang araw!" bati agad ni papa sa kakarating lang na si Mr. Chan



Nakita ko na may kasama syang lalake, ngumiti naman sya sakin kaya nginitan ko din at binalik ang tingin kay Mr. Chan na nakikipag usap sa tatay ko. nagtalo pa kame ni papa kanina dahil hindi daw ako nag ayos alam ko naman daw na may i me-meet akong importanteng tao. pero in the end pumayag na sya na simple lang suotin ko dahil baka ma late kame.



"ako disappointed sayo! hindi ka punta dito nakaraan" sabi sakin nung mr. chan saka ko napansin na tiningnan nya ang suot ko, nakasuot kase ako ng maluwag na pants at masikip na puting t shirt na pinatungan ko ng denim jacket "ikaw parang tomboy, pero ganda ikaw" para pala sya yung mga Chinese sa divisoria pag nagsalita



"hello" bati sakin nung lalake, bigla tuloy ako nahiya sa suot ko ng tingnan ko na naka suit sya mukang pinaghandaan pa nya talaga.



"hi" bati ko din, inalis ko ang tingin ko sa kanya at tumingin na lang ako kila papa na nag uusap



"tara usap muna tayo importante!" yaya ni mr chan sa tatay ko. tumingin muna sakin si papa bago sya sumunod kay mr chan.



ramdam ko din naman na kaya sila umalis para makapag usap kameng dalawa. hindi naman ako ganon ka tanga para hindi malaman ang gusto nila ipahiwatig.



"pasensya ka na kay dad, mukang sinadya nya tayo iwan" nagulat ako kase diretso sya magtagalog "ahhh hehehe! dito kase ako lumaki kaya diretso ang pagtagalog ko" mukang napansin nya siguro na nagulat ako.



hindi na ako nagsalita dahil wala naman ako sasabihin sa kanya. nag cellphone na lang ako nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sya sakin habang nag ce cellphone ako. 



naiilang ako sa tingin nya kaya tinext ko na lang si ace.



To: Ace 

'hulaan mo kung nasaan ako' 



nagulat ako nung bigla may nag text, sinilent ko muna phone ko para hindi ako makaistorbo pag dumating na sila papa



From: Ace

'bakit hindi ka magpahula sa Quiapo'  natawa ako ng mabasa ko yung text nya



"gusto mo omorder na tayo mukang matatagalan pa ata sila dad at mukang business ang pinag uusapan nila" saka nya nginuso sila papa na nandun sa kabilang dulo ng table nag uusap at panay ang tingin samin

I Fell Inlove with my BestfriendWhere stories live. Discover now