Chapter 23

8 1 0
                                    


Scarlet pov



Napatingin ako kay Cleo na nakatingin din kay owen para bang nag tataka sya sa sinabi ni owen. ako din naman nagtataka sa sinabi nya. halos nakaraang bwan lang nung nakita ko sya nag makaawa kay cleo para balikan sya tapos ngayon aamin sya sakin gusto nya ako! kutusan ko nga yan mamaya, hindi ko kailangan ng awa mo dyan  >_<



"scar---" hindi na natapos magsalita si owen ng sugurin to ni ace.




natataranta akong lumapit kay ace para pigilan to




"ANO BA ACE TAMA NA YAN" sigaw ko pa din. nakita ko na lumalaban din si owen pero dehado sya kay ace na galit na galit kay owen. susugurin nya sana ulit to ng humarang ako sa harap nya




"tama na okay, tama na!!" mahina kong sabi, napansin ko din na madami na nakapalibot samin dito. 



si liam at noah naman nakahawak kay owen na gusto pa sumugod. si cleo at ako naman pinipigilan si ace



"zach bakit ka ba nanakit" naiinis na ding sabi ni cleo



huminga ng malalim si ace saka sya tumalikod para maglakad palabas, pupuntahan ko na din sana si owen ng biglang bumalik si ace at hinila nya ako palabas ng resthouse 



"mukang nagkamali ka ata ng hihilahin!" sabi ko pa ng medyo nakalayo layo na kame sa resthouse. baka akala nya si cleo yung nahila nya. tumigil sya at humarap ako




"diba sabi ko wag ka maglalapit kay owen" seryosong sabi nya. nakita ko naman na kinuyom nya yung kamay nya at pumikit saka sya huminga ng malalim



"bakit ba ang init ng ulo mo, nanakit ka pa ng tao jusko ka!" saka ko binuka yung kamay nyang nakakuyom "babalik na ako sabi sayo mali yung nahila mo eh, tatawagin ko na lang si cleo sabihin ko inaantay mo sya dito" aalis na sana ako ng yakapin nya ako patalikod




"layuan mo si owen!" lumambot na yung salita nya hindi kagaya kanina na halos pagalit at pasigaw sya magsalita



"baliw ka ba kaibigan ko yun!" saka ko tinaggal ang pagkakayakap nya sakin at hinarap sya



"ikaw may cleo ka na kaya hindi mo na ako ka-kailanganin" mapait akong ngumiti sa kanya

I Fell Inlove with my BestfriendWhere stories live. Discover now