Chapter 25

9 0 0
                                    


Scarlet pov



"scarlet pupunta kame ng starcity tara!!!" yaya ni noah sakin ngumiti lang ako at umiling, kakatapos lang din ng klase namin ng biglang mag aya si cleo na mag star city.




"kayo na lang may lakad kase ako!" pagkasabi ko nun saka ako nagmadali lumabas. narinig ko pa ng tinatawag ako ni ace saka ni liam pero hindi ako lumingon





isang linggo na din makalipas simula nung outing namin sa cebu, simula pag uwe namin doon ko na sila iniwasan. halos araw araw nila ako iniimbitahan lumabas pero lagi ako nagdadahilan na may lakad.





Habang nag da-drive ako narinig ko na sunod sunod na tumunog ang phone ko, huminto muna ako saglit at tiningnan ang message. sila liam lang pala nag send ng mga pictures sa gc. may ginawang group chat si liam samin kasama sila cleo, jane at owen




nakita ko ang ibat ibang angulo nila sa star city napangiti pa ako ng makita ko ang video na niloloko nila si ace na kumain ng mint choco ice cream parusa nya daw.





buti na lang talaga naka turn on read receipt  ako kaya pwede ko makita anytime yung message nila ng hindi nila alam.  




maya maya lang nakarating na ulit ako sa gusto ko puntahan. napangiti pa ako ng maabutan ko ang araw na palubog. 




"pasensya ka na kung ngayon na lang ulit ako naka dalaw taal" nakangiti kong sabi habang dinadama ko yung hangin na humahampas sa muka ko.




ngumiti ako at umupo sa damuhan, medyo pa slide ang damuhan dito na akala mo maliit na bundok. may mga iilang tao din na nakaupo sa damuhan yung iba couple or magkakaibigan tapos meron din mag pa-pamilya. Napaka aliwalas nilang tingnan na masasaya na akala mo wala silang problemang dinadala.




habang masaya ko tinitingnan ang nasa paligid ko hindi ko namalayan na may tumabi saking aso. base sa ichura nya parang walang nag mamay ari sa kanya dahil madumi at payat syang tingnan. nakita ko din na sumusunod sya sa mga taong may pagkain. kaya tumayo ako at bumili ng makakain.




omorder ako kay aling bebang ng ulam saka pagkain, pinahalo ko kay aling bebang yung kanin saka yung ulam ibibigay ko kase kako sa aso, nakangiti nya naman ginawa yun.




naabutan ko pa na nakaupo yung aso at nagmamasid lang sa mga taong dumadaan. 




medyo tumabi ako sa aso at binigay ko sa kanya yung pagkain nabili ko, naka styropon naman yun kaya wala ako naging problema. pagtapos ko ibigay sa aso yung pagkain nya binuksan ko na din yung pagkain ko. 




"masarap no?" tanong ko sa aso, alam ko naman hindi sya sasagot pero tinanong ko pa din, nakita ko kumakawag ang buntot nya habang kumakain. ang cute lang tingnan




natapos na ako kumain at uminom ng tubig pero hindi pa din umaalis yung aso sa tabi ko. nakatingin lang sya sa malayo habang ako naman nakatingin sa langit. medyo komokonti na lang din ang tao sa dito. dahil nagsisimula na din gumabi.





"sana may tao ding hindi ako iiwan kagaya mo!" umpisa kong sabi sa aso




"alam mo ba na nagiging iyakin ako this past few days" sabi ko ulit huminga ako ng malalim at tumingin sa aso na nakatingin sakin na akala mo naiitindihan ako sa sinasabi ko.




I Fell Inlove with my BestfriendWhere stories live. Discover now