Chapter 16

15 2 0
                                    



Scarlet pov



Nagising ako sa sikat ng araw na tumutok sa mata ko, laking ngiti ko ng pag mulat ng mata ko nakita ko si ace na natutulog pa din. pinag masdan ko ang muka nya na parang ang tagal ko syang nakita, nakangiti pa ako habang nakatitig lang sa muka nya. 



Ilong nyang napaka tangos na minana nya pa kay tito henry. labi nyang mapula na sa tingin ko namana naman nya kay tita laila. pilik mata nyang mahaba na akala mo babae ang may ari at yung pisnge nyang namumula sa tama ng araw. paano ako hindi ma iinlove sa ganitong ka gwapong nilalang tapos binibigyan pa ako mixed signal. twing iisipin ko na kakalimutan na sya dun ko pa nararamdaman na may halaga din ako sa kanya. minsan naiisip ko na baka pwede ko ipilit tong nararamdaman ko.



bakit kase ang pa fall mo?



hindi ko namalayan na halos 30 minutes na ako nakatitig sa kanya. putek na may pasok pa kame. dali dali ako bumangon at niyugyug si ace



"hoy gising na ma la-late tayo" nakita ko na papungay pungay sya "uuwe na ako maligo ka na" nagmamadali ako lumabas ng kwarto nya.



naabutan ko si tita na nag luluto ng breakfast, mahilig si tita mag luto kahit ang dami nilang katulong



"hello po tita!!" bati ko habang pababa ako ng hagdan



"sa kwarto ni ace ka ba natulog?" tanong nya sakin



"opo tita" at nakita ko na naman ang nakakaloko nyang ngiti nya "mauna na ako tita baka ma late po ako eh" pagmamadali ko



"okay scarlet, pag baunan na lang kita ng sandwich papadala ko kay ace" sigaw nya kaya dumungaw ako sa pinto para makita sya



"thank you tita!!!!" saka ako nagbigay ng flying kiss sa kanya narinig ko pa na natatawa sya



Liam pov



"Scarlet my favotite bestfriend okay ka na ba?" bungad ko sa kanya ng makita ko sya papasok sa room



"hehe okay na salamat pala kagabe, pasensya na din mukang nasira ko lakad natin" hinging tawad nya samin



aba hindi naman nya kasalanan kung minanyak sya ng mga lalake. ang bait talaga ng bestfriend ko :(

I Fell Inlove with my BestfriendOù les histoires vivent. Découvrez maintenant