Chapter 18

10 1 0
                                    



Scarlet pov



"Class! Listen!!!" tawag pansin samin ni prof "may bago ulit kayo magiging kaklase" umpisa ng prof namin kaya yung tahimik na room naging maingay ulit



"bago na naman? saan sya uupo?" tanong ni liam samin



"sa tabi mo?" sagot ko sa tanong nya



"luh! wag dito kawawa naman bag ko walang upuan" saka nya hinaplos ang bag nya na akala mo inapi api dito sa classroom



"mas kawawa yun pag walang naupuan" sagot naman ni noah



"oh! nandyan ka na pala pasok na" nakangiting sabi ni prof. naintriga tuloy ako kung sino yun



pagpasok na pagpasok nya lumaki agad ang mata ko, nakita ko pa na nakatingin sya kay cleo 




"hala sya!!" bulong ko saka ko tinago muka ko, baka kase mamukaan nya ako. 



"Owen Gonzales!" nakangiti nyang sabi



"Guzman!! tangaling mo yung bag mo sa upuan" tawag nya kay liam pero etong si liam nag busy busyhan at kunwari may sinusulat sa notebook "LIAM GUZMAN!!!" tawag nya ulit



"eto na prof init agad dugo nyo eh" saka nya tinaggal yung bag nya



"sige na  maupo ka na dun sa tabi ni Guzman" utos ng prof kay owen. 



nakita ko pa na tumingin muna sya kay cleo bago maglakad, hindi naman sya pinansin ni cleo na busy kausap si jane. 




habang naglalakad sya papunta sa upuan nya hindi sinasadya nagtama yung mata namin sa sobrang taranta ko dali dali ako tumingin sa bintana, nalimutan ko pala magtago pero bago ako tumingin sa bintana nakita ko pa sya ngumiti.



"okay class that's all" sabi ng prof samin kasabay ng pa bell



buti nag bell na makakatakas na ako, kanina pa ako nagugutom!!




"scarlet wag ka tumakas ili-libre kita ng lunch tutal ikaw nag alaga sakin, doon ko lang napatunayan na ikaw lang nag mamalasakit sakin" na totouch na sabi ni liam sakin

I Fell Inlove with my BestfriendWhere stories live. Discover now