Chapter 8

9 1 0
                                    



Scarlet pov.



"hoy gumising ka na anong oras na!!!"  napabalikwas ako sa pag sigaw sakin. pagtingin ko kung sino ang nag salita si ace lang pala tawang tawa pa sya nung nakita nya muka kong gulat na gulat



putek to si ace nabigla ata ulo ko sa pag bangon ko, napahawak pa ako sa ulo ko saka ako tumingin ng masama kay ace napansin ko na bagong ligo si ace.



"maligo ka na ilalagay ko sa kama yung damit mo!" nagsimula na ako pumasok sa cr ng hindi sya tinitingnan. sobrang sakit kase ng ulo ko gusto ko ng kape.



Ilang saglit lang lumabas na din ako sa kwarto medyo nabawasan na din naman sakit ng ulo ko nung naligo ako, amoy na amoy ko agad ang nilulutong sinangag pag tingin ko sa kusina si noah pala ang nagluluto.



"marunong ka pala magluto!" na gulat pa sya ng magsalita ako kaya natawa ako sa kanya



"nakakagulat ka naman, pwede ba pahanda naman ng pinggan maluluto na kase to eh" pagkasabi nya nun kumuha agad ako ng pinggan, baso, kutsara. after ko gawin yun nagtimpla ako ng kape



"ikaw noah gusto mo ng kape?" yaya ko at tumango naman sya



"wow naman, muka kayong bagong kasal na naghahanda ng umagahan!" bungad ni liam sakin mukang kakatapos nya lang din maligo, wala talagang lumalabas na maganda sa bunganga neto



"bakit si noah lang pinagtimpla mo ng kape?" takang tanong ni ace sakin nung nakita nya nilapag ko sa harap ni noah ang tinimpla kong kape



"nag seselos naman tong kabit number 2" natatawang sabi ni liam



"anong kabit number 2?"  nagtatakang  tanong ni ace kay liam



"kabit kase tayong dalawa, ako si kabit number 1 ikaw si kabit number 2" natatawa pa nyang sabi natahimik sya ng pakainin sya ni ace ng tissue. natawa pa ako sa ichura nya after nya iluwa ang tissue



"ikaw kabit number 1 gusto mo ng kape?" nakisakay ako sa biro ni liam



"mag ju-juice na lang ako baka mag selos yung asawa mo at si kabit number 2" saka ulit sya tumawa. 



hindi ko din naman a-akalain na magiging close ko sila. alam nyo naman may mga trust issue ako pagdating sa pakikipag kaibigan. 

I Fell Inlove with my BestfriendWhere stories live. Discover now