Chapter 9

15 1 0
                                    


Zach pov.



"feeling ko bagsak ako! ang damot naman kase ni scarlet sa sagot kinikindatan ko na nga hindi pa ako ma gets!" angal ni liam samin palabas na kame ng room para mag lunch.



"ang dami naman kase pwedeng gawin kumindat pa talaga, akala ko nantritrip ka eh" natatawang sabi naman ni scarlet.



nung una naiinis ako kase nagiging close na ni scarlet sila liam at noah feeling ko kase na ipag palit na ako ni scarlet, pero ngayon parang mas tanggap ko ng close na silang tatlo, ang hilig nila mag bangayan kahit sa maliit na bagay lang. saka mas mabuti na din para mas marami maging kaibigan si scarlet, napansin ko kase na mailap sya sa mga bagong nakikilala nya.



"saan tayo mag lu-luch? balita ko absent na naman yung prof natin mahilig mang bagsak pero hindi uma-attend ng klase, kaya siguro 4 hrs ang vacant natin" sabi ni noah samin habang pababa kame at papuntang cafeteria



"uuwe ako!" sabat ni scarlet kaya napatingin kame sa kanya



"bakit?" tanong ko naman



"inaantok ako!" maikling sagot nya



"bahala ka dyan mag ma-mall kame" sabat na din ni liam, kahit wala naman kameng napag usapan na mag mamall kame, minsan ang galing gumawa ng kwento ng kupal na to



"edi mag mall kayo nasa akin ba credit card nyo? pera nyo? sasakyan nyo? wala diba? mauna na nga ako!" saka sya dumiretso sa parking lot samantalang kame dumiretso ng cafeteria



kakain muna kame bago mag mall, nakaka boring kaya dito sa school



"may nag aaway ata sa labas tara tingnan natin!" usisa ni liam hinila naman ako ng dalawa, nakapila na ako eh manghihila pa pangit talaga kapag may tropa kang chismoso



naabutan namin na may isang babae at dalawang lalake nag a-away ng physical-an, wow 1 vs 2



nakita ko na sinipa ng babae yung dibdib ng lalake habang nakahiga sa damohan, yung isa naman kinuwelyohan nya



"ikaw kung gusto mo ng away pagbibigyan naman kita eh" maangas na sabi nya pati ako nangilabot sa boses nya. gusto ko makita yung muka nya dahil nakatalikod sya samin, ilang saglit lang tumingin sya sa banda sakin kaya nakita ko ang muka nya

I Fell Inlove with my BestfriendWhere stories live. Discover now