Chapter 22

10 1 0
                                    


Scarlet pov



Nagising akong ng alas otso ng umaga at Nakita ko na natutulog pa si cleo at jane. Pagtapos ko kase maligo kahapon natulog na din ako. Hindi ko alam kung anong oras sila nakapasok ng room dahil hindi naman ako nagising kagabe.



Nagmadali ako naghilamos at mag toothbrush,  saka ko kinuha yung pagkain ni liam na binigay nya sakin. Alam ko may Croissant yun eh.



Ilang saglit lang nahanap ko na din ang hinahanap ko. Hindi ko na ginising sila cleo at jane. Bumababa na lang ako mag isa. Buti na lang din full charge ako kaya in-on ko na ang phone ko.




Habang naglalakad ako tunog ng tunog ang notification ko kaya tiningnan ko kung sino nag text. Galing lang naman kila liam kaya hindi ko na pinansin at bumaba na.


May mga naabutan din ako ibang studyanteng gising na. Yung iba nag e-exercise yung iba naman nag bre-break fast.


Dumiretso ako sa kainan nila dito sa rest house pinag gi-gitnaan yun ng dalawang bulding kaya hindi na ako nagtaka kung may mga lalake na din dito.



Kumuha lang ako ng sinangag, itlog saka hotdog. Nagtimpla din ako ng kape at pumwesto sa gilid.




"Scarlet!!!!" Rinig ko agad ang boses ni liam na kakapasok lang sa tinatawag nilang kainan



"Tapos ka na kumain?" Tanong ni noah sakin at tumango ako.



Nakita ko silang dalawa na kumuha ng pagkain nila at pumwesto sa table ko.



"Galit ka ba samin?" Tanong agad ni liam sakin kaya nagtaka ako sa tanong nya



"Hindi bakit naman?" Takang tanong ko habang humihigop ako ng kape at nakatingin sa kanya



"Hindi ka na kase bumaba kagabe, akala namin nagalit ka kase mukang na out of place ka" mahinahon naman sabi ni noah kaya natawa ako ng mahina sa sinabi nya



"Hindi naman ako ganon kababaw para magalit, saka antok na atok na din ako that time, binulungan ko pa nga yung babae na salamat kase makaka akyat na ako" sabay higop ko ulit na kape.


Nakita ko naman na natawa sila habang kumakain. Nakita ko din ang chikinini ni liam sa leeg.



"Nakipag landian ka kagabe no?" Tanong ko sa kanya at nag smirk naman sya




"Selos ka no?"




"Muka mo..... yung leeg mo kase" saka ko tinuro ang leeg nya, tumingin naman si noah sa leeg nya

I Fell Inlove with my BestfriendWhere stories live. Discover now