Chapter 2

17 1 0
                                    


Zach Pov.



"zach nandyan ka pala kamusta?" hindi ko sya pinansin at agad ko sya sinuntok sa bunganga, nakita ko pa na napaupo sya sa lakas ng suntok ko sa kanya.



Iniwan ko sya at dali dali ko nilapitan si scarlet na nakahiga sa lapag binuhat ko sya at dahan dahan ko sya pinasok sa kotse.



"problema mo!!!" tanong nya sakin ng makabalik ako , nakita ko pa na dumura sya ng dugo 



bago pa ulit sya makatayo at maka recover sa suntok ko sa kanya  sinipa ko ang muka nya, mukang nahilo naman sya sa ginawa ko dahil nawalan sya ng balanse at napahiga sa sahig, saka ako lumuhod at binali ang kaliwang braso nya napahiyaw pa sya sakit.




"anong ginagawa mo zach?!!!!" bulyaw ni monica sakin habang nakatingin sya kay kevin




tumayo naman ako at lumapit kay monica, saka ko hinablot ang phone na hawak hawak nya at walang sawa ko pinagtatapakan hanggang sa hindi na magamit



tinulak pa ako ni monica habang tinatapakan ko ang phone nya kaya tinulak ko  din sya at binigyan sampal sa muka, napasalampak naman sya sa pagsampal ko




"pre, chill!!!" paalala ni liam sakin na nakiawat na din



putangina! pano ako makakapag chill kung naabutan ko ganon ang sitwasyon ni scarlet.




"this is my first and last warning monica" pang duduro ko pa sa kanya




"teka, naguguluhan ako , ano ba ginawa namin?" takang tanong ni monica sakin, habang nakahawak sya sa pisnge nya, hindi ako pumapatol sa babae pero pag si scarlet na ang usapan papatol talaga ako kahit sino pa yan




hindi ko na pinansin si monica at bumalik kay kevin na nagsisigaw sa sakit




"ano kasalanan ko zach?" sigaw nya saki, putangina neto lakas ng loob tanongin ako




pero imbis na sagotin sya kinuha ko ang baseball bat na hawak ng kasama nya at hinampas ko sa kamay nya



"ano kamay ang pinang hawak mo?" sigaw ko sa kanya




"ano ba sinasabi mo?" takang tanong nya, habang mangiyak na sya sa sakit




"kung dalawang kamay mo na lang kaya hambalusin ko?" saka ko hinampas ng baseball bat ang magkabilaan nyang braso. tanging hiyaw na lang ni kevin ang naririnig sa parking lot ng school




maya maya lang nag sindi ng sigarilyo na galing sa bulsa ko.

I Fell Inlove with my BestfriendWhere stories live. Discover now