Chapter 4

13 1 0
                                    

Zach pov.



"what? hindi kita girlfriend" maang ko sa kanya "hinalikan kita kase hinalikan mo ako" 



"kahit na, nag respond ka pa din sa kiss ko" pag mamatigas nya sakin napatingin naman ako kay scarlet na nakatingin sa bintana 




"walang malisya yun sakin hehe, sige na angel matutulog na ako wag mo ako istorbohin saka hindi kita girlfriend" kinakabahan kong sabi sa kanya saka ako dali dali sumubsub para iwasan pa ang mga itatanong nya sakin



grabe ang gwapo ko pala talaga..... hindi ko namalayan na nakatulog na ako nagising na lang ako ng may yumuyugyug sakin



"hmmm" medyo papikit pikit pa ako habang inaangat ko ang muka ko laking gulat ko ng makita ko kung sino ang yumuyugyug sakin



"MR. ALCANTARA, ILANG YUGYUG BA ANG GAGAWIN KO PARA MAGISING KA!!!" nawala ang antok ko sa sigaw ni prof sakin, bigla ako napaangat ng ulo at dumiretso ng upo,



"eto na po gising na, handa na makinig sainyo!" pabiro ko pang sabi  kanya pero sa totoo lang antok na antok pa ako. maya maya lang din bumalik na si prof sa unahan at nagturo samin medyo badmood pa sya habang nag lelecture kaya kunwari tutok na tutok ako sa sinasabi nya baka pag initan ako.



"hoy, scarlet bakit hindi mo ako ginising!" inis kong bulong sa kanya, habang ang mata ko na kay prof na nagtuturo



"ginising kita ng patago, mukang masarap ang tulog mo!" bored nyang sagot sakin



Scarlet pov.



"scarlet, sama ka ba ulit samin?" tanong ulit ni liam sakin, palayaya naman to after mo makipag halikan sa harap ko, tatanongin mo ako ng ganyan HOW DARE YOU!!!!



"wag ka mag alala, hindi na to sa bar, kakain lang kame walang alak na involve, tutal bago ka dito sama sama ka na lang samin" pag aaya pa din ni noah sakin, tiningnan ko muna sila ng mabuti baka sa bar ulit ginogoyo lang nila ako para sumama



"oo nga scarlet, papatikim ko sayo yung kinukwento kong pagkain na ice cream na pag nilagay mo sa bunganga mo para kang naka vape kase ang lakas ng usok!" excited nakwento sakin ni ace



"mukang close na kayo, nakakapag kwento ka ng pagkain eh" natatawang sabi ni noah, ako naman sumimangot habang nakatingin kay ace



"ha ha ha, oo!" awkward na tawa ni ace. hay nako ang daldal talaga 





"sige sama na ako!!" pag payag ko medyo gutom na din naman ako eh. dali dali ko inayos ang gamit ko para makaalis na agad kame. tinutulungan pa ako ni ace magligpit ng gamit. badtrip pa din ako sayo kahit anong tulong mo.



"hello guys! pwede din bang sumama?" sulpot ni angel habang nag tutumpukan kame sa likod ng classroom, luh pano nakapasok to sa room para naman tong ninja biglang biglang sumusulpot, saka pano nya nalaman na aalis kame spy ba sya!!!



"oo naman angel ikaw pa ba!!" pagpayag naman ni liam, tsk babaero talaga



"iiwan ko kase kotse ko dito, sabay na lang ako sayo zach" malanding sabi nya kay ace kaya napatingin naman ako kay ace na napatingin din sakin, subukan mong omoo hindi ako sasama kala mo dyan

I Fell Inlove with my BestfriendWhere stories live. Discover now