Chapter 11

9 1 0
                                    


Scarlet pov



Kanina pa ako hindi mapakali simula nung sinabi ni ace na yung cleo ang sinasabi nya na love at first sight sya.


Kanina ko pa din sinisulyapan si ace pero sulyap din sya ng sulyap kay cleo at bigla ngingiti


Eto na naman pakiramdam ko na parang pinipiga yung puso ko sa sakit. Kahit pinipilit ko mag focus sa lesson at makinig kay prof hindi ko magawa dahil sa putragis na masakit na nararamdaman ko.



Gusto ko na mag bell para makaalis na ako. Kanina pa din ako tingin ng tingin sa relo ko. Gusto ko na tumunog yung bell para mag lunch sabay aalis ako. Hindi ko kaya tingnan na ang pinag gagawa ni ace sobrang sakit. akala ko masasanay na ako pag tumagal pero lalo lang sya sumasakit.




Maya maya lang nag bell na. Putek feeling ko ang tagal bago mag bell. tatayo na sana ako para lumabas ng bulungan ako ni ace.





"Scarlet yayain mo si cleo sumabay ng lunch satin" bulong nya pero hindi ko sya inintindi at dali dali nililigpit yung gamit ko.




"Ano na yayain mo na ba?" bulong ulit nya. tangina neto ni ace gusto ko na maiyak sa sakit ayaw pa ako tantanan




"Ah ayaw mo ako pansinin, sakyan mo na lang yung sasabihin ko" pagtapos nyang sabihin yun tinawag nya yung dalawang babae na paalis na din sana



"Cleo, jane! baka gusto nyo sumabay samin mag lunch sa cafeteria, eto kaseng kaibigan namin si scarlet gusto kayo maging kaibigan" pagkasabi ni ace nun napatingin silang dalawa sakin




"Ahhhh.... oo" awkward kong ngiti




"Sure!!" sabi naman ni cleo. Yung jane naman tiningnan ako mula ulo hanggang paa na parang pinag aaralan ako.




"okay ka lang?" Tanong ni liam saka nya ako inakbayan




"Oo naman hehe" putek yan sa bahay na nga lang ako maglalabas ng sama ng loob.




Patuloy kame sa paglalakad habang si liam naka akbay sakin na kapag tumitingin sakin akala mo awang awang. gusto ko tanggalin kamay nya sa pagkaka akbay pero wala ako sa mood makipag talo sa kanya kaya hinayaan ko na lang. Maya maya lang din narating na namin ang cafeteria. Pagkaupo ng pagkaupo namin tumingin sakin yung jane kaya nginitian ko sya




"Mag jowa ba kayong dalawa?" Tanong nya sakin. Saka sya nag palipat lipat ng tingin samin ni liam



"Nako hindi!!" pag deny ko agad




"Nako scarlet wag na natin itago nararamdaman natin sa isat isa" tukso naman ni liam tinaas baba pa nya ang kilay nya habang nakatingin sakin




"Wala ako sa mood makipag asaran sayo umayos ka!!" pagkasabi ko nun dumiretso sya ng upo at sumaludo




I Fell Inlove with my BestfriendWhere stories live. Discover now