Chapter 15

11 1 0
                                    


Scarlet pov. 



"yosi lang kame" paalam ni noah, kaya dali dali ko tiningnan si ace at nilakahan ko ng mata. subukan nya lang talaga papakain ko talaga yung yosi sa kanya.



Silang tatlo magkakaibigan lumabas ng mall para mag yosi sila cleo naman nag cr muna. kaya naiwan ako dito sa entrance. muka akong tanga nag hihintay sa kanila. bakit kase hindi na lang ako sa kotse ni liam mag antay. 




"hay nako! tagal nila!" inip kong bulong sa sarili ko




kaya napagdesisyonan kong lumabas na lang at hanapin sila ace. dun na lang ako sa sasakyan mag aabang hindi din kase ako mapakali baka makasalubong o makita ko si papa. hindi ko pa naman alam kung nandito pa sya sa mall o wala na



paikot ang parte ng mall kaya sinundan ko lang yun. doon kase banda pumunta sila ace.



"hi miss!" bati sakin nung lalake nakita ko na may kasama din sya dalawang lalake kaya dali dali ako bumalik ng hindi sya pinapansin. balak ko bumalik na lang sa entrance at dun ko na lang antayin sila ace.  hindi ko din napansin na madilim na pala dito at kokonti na lang ang tao.




"hello ulit, gusto mo sumama sakin papakasaya tayo?" hindi ko na sya pinansin at lalo ko binilisan ang lakad ko. napansin ko din na mapupula yung mga mata nila at may nakaumbok bandang gilid nila, hindi ko mawari kung patalim ba yun o baril kaya mas lalo ako kinabahan.




nakita ko na sinusundan ako nung mga lalake kaya mas lalo ko pa binilisan ang lakad ko, nanginginig na ang tuhod ko sa kaba habang naglalakad sa kanila palayo




"Tara na miss dadalhin ka namin sa langit!!" sagot naman ng isa hinawakan pa ako sa kamay pero winasiwas ko yun agad




"Miss wag ka naman madamot" pansin ko na galit na din ang tono nila nakita ko pa sa peripheral vision ko na may binubunot na yung lalake sa gilid nya. tatakbo na sana ako ng marinig ko ang pangalan ko




"scarlet!!!" tawag sakin kaya dali dali ako tumingin sa tumawag sakin, nakita ko si cleo hindi kalayuan sakin kaya lumapit ako sa kanya ng mabilis




"Hoy kayo!!!" turo nya sa mga lalake nasa likod ko "bakit mo sinusundan yung kasama namin" lakas loob na sabi ni cleo



"akala ko kase mag isa sya, sasamahan sana namin!" narinig ko pa ang mga pinag sasabi nila bago sila umalis 




"Sayang pre"



"Kala ko jackpot na"



"mukang masarap pa naman" dito ako nangilabot sa sinabi nya,  kaya tiningnan ko sino ang nagsabi, nagtama pa yung mata namin nung lalake at saka nya dinilaan ang ibabang labi nya at kumindat sakin




"okay ka lang?" tanong ni cleo sakin at tumango na lang ako.


I Fell Inlove with my BestfriendWhere stories live. Discover now