CHAPTER 43 ~ AMBUSH

753 15 0
                                    

•THIRD PERSON’S POV•

"Dramon...Tulala ka na naman jan?.. let's eat.."


Tahimik na nakamasid si Dramon sa veranda ng kanyang kuwarto.

Nakaupo sa kanyang wheelchair.

Pagkatapos ng aksidente ay nagising na lamang siya nasa hospital na siya.


Tandang-tanda niya ang lahat ng nangyari bago pasabugin ni Franco ang bangka na sinasakyan niya.

Nawalan ng pandama ang kanyang mga paa at tuluyan siyang naging baldado.


Habang hindi pa rin siya nakakapagsalita dahil naapektuhan ang kanyang utak sa pagsabog.


Nasunog din ang ilang bahagi ng kanyang katawan.


Sinabi ng Doctor kay Luciana na maaring maging baldado na siya habang buhay.

Bagay na labis na ikinasaya ni Luciana dahil hindi na niya kailangang putulan pa ng mga paa si Dramon.

Pinalabas ni Luciana na patay na ito upang hindi na sila hanapin pa ni Ysabela.

At dinala siya nito sa Switzerland. Pagkatapos ay lumipat naman  sila sa US upang masigurado na hindi na sila masusundan ng mga nag-iimbestiga kung nasaan siya.

Naramdaman ni Dramon ang magkabilang braso ni Luciana sa kanyang leeg.

Nakatayo ito sa kanyang likuran at niyakap siya nito.


Darling, nagustuhan mo ba ang pagbabalik natin sa Pilipinas? Tatlong buwan din mula nang umalis tayo.” Nakangiting sabi ni Luciana sa tapat ng kanyang tenga.

Walang reaksyon si Dramon sa sinabi niya.

Alam mo? Ang saya ko talaga…kasi kasama pa rin kita hangang ngayon. Huwag kang mag-alala malapit mo ng makita ang anak natin. Kapag nakita mo siya siguradong matutuwa ka!” Excited na sabi ni Luciana.

Umikot ito sa harapan niya at lumuhod.

Inayos ang kumot na nakatakip sa walang pandama nitong mga paa.

At saka inihiga ang kanyang ulo sa hita nito.


And you know what? I want you in bed...I want to make love to you… so hard and wild but I can’t. Gustuhin ko man na ipa-therapy para gumaling ang mga binti mo. Baka magising ako isang araw iwan mo na ako at bumalik ka sa babaeng yun…kaya kahit ganito lang masaya na ako. Basta kasama kita…Dramon”

Nag-angat siya ng tingin sa nakatulala pa ring si Dramon.

I love you so much…kapag nakuha na natin ang baby natin babalik na tayo sa Mexico. Mamumuhay tayo na parang pamilya. Diba yun ang gusto mo?”

Tumayo siya sa harapan nito at hinalikan si Dramon sa labi ng isang segundo.

I really love you, puwede bang sa tabi muna ako ni Ceazar matutulog? Hindi ka naman magagalit hindi ba?” Paalam niya dito ngunit wala naman itong naging pagtugon.

Iniwanan siya ni Luciana at lumabas na ito ng kuwarto.

Pagbaba niya sa sala ay ipinatawag na niya ang yaya at si Doc, Maricar ang nag-recommend dito para mag-alaga sa anak ni Ysabela.



"Good morning Melissa, At lalo na sayo Doctora?"



"Good morning din po Madam"

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now