CHAPTER 23 ~ PREGNANT?

1.2K 28 0
                                    


Ilang hakbang pa lamang kami papalapit sa kanila ay hindi nakaligtas sa akin ang matalim na tingin ni Jenny at ganun din naman ako sa kanya.

kapal ng mukha nitong babaeng to.

Pero syempre hindi rin naman ako papakabog sa kanya.

I have my own self-confident at isa pa nasa akin din ang puso ni Mikhail. Kaya malakas ang kompyansa ko na hindi niya ako kakantihin dito.

Nakapaghanda na si Jenny ng pagkain.” Wika ng lalaking nanutok sa akin ng baril kaya sinamaan ko din siya ng tingin.

tangina mo, gwapo ka sana...

“Ysabel, hindi mo pa pala siya kilala. Si Levi, kanang kamay ko din siya aside kay Bob.” Pakilala ni Mikhail sa akin.

what? Lalaki si Levi?

at sya yung Levi?!

Tinaasan ko siya ng kilay.

Mabigat ang loob ko sa kanya lalo na dahil sa nangyari kagabi at hindi ko rin gusto ang kanyang aura pareho sila ni Jenny.

ahm pamangkin niya si Jenny.” Dagdag pa ni Mikhail.

so?

kaya naman pala parehong mabigat ang dugo ko dahil iisa ang lahing pinagmulan nilang dalawa.

Ganun ba? I’m sorry sa nangyari kagabi.” Wika ko sa kanya.

Pero ang totoo ay nakikisakay lang ako dahil nasa teritoryo nila ako ngayon.

Ako ang dapat humingi ng sorry Ms. Ysabel, sayo din Mikhail. Hindi ko naman talaga siya babarilin sobrang bilis lang ng pangyayari nawala ako sa concentration.” Pagdadahilan niya.

plus points kana sa langit, ganun?

"call her Ysabela, Im the only onw who's calling her ysabel." pagsusungit ni Mikhail.

agad naman tumango ang iba pa naming kasama lalo na si Levi.

napaka possesive ng lalaking to.

It’s okay, ang importante ay kasama ko na siya ngayon. At isa pa isasama din kita sa pag-alis ko sa mga susunod na araw kaya maghanda ka na rin.”  Wika nya kay Levi.

Hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa bagay na yun kaya mamaya ko itatanong sa kanya.

Pagpasok namin sa mansyon ay bago na ulit ang sala ito kasi ang na-apektuhan ng pagsabog. Pero nasa ma-aliwalas na ito kumpara noon na parang tahanan ng vampire.

Dinala agad ako ni Mikhail sa dining area. Mahigpit niya pa ring hawak ang kamay ko. Bumungad sa amin ang maraming pagkain sa glass na mesa.

“Inihanda ko talaga ito para sa pagdating mo.” Nakangiting sabi ni Jenny habang nakatingin kay Mikhail.

Pero syempre  hindi siya pinansin ni Mikhailat ipinaghila ako ng upuan.

papansin pa more atii..

Maupo na kayo para makakain na tayo.” Sabi ni Mikhail sa kanila.

Nasa dulo umupo si Mikhail at katabi niya ako. Katapat ko naman si Jenny na nasa kanan din niya at sa kabilang dulo naman ay si Levi at katabi niya si Bob. Marami pa namang upuan pero talagang sa amin siya tumabi.

Kahit mukhang masarap ang pagkain na nasa aming harapan pakiramdam ko nangangasim ang sikmura ko.

What happen? Ayaw mo ba ng pagkain?” Tanong niya sa akin. Umiling ako sa kanya.

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now