CHAPTER 36 ~ R.I.P JENNY

833 18 0
                                    


One week later…..

•YSABELA's P.O.V•

Dahil sa nangyaring pagsabog napasugod dito si Daniela dala ang tauhan din ni dad upang idagdag sa magiging security ng Rest House ni Bob.

Nagkaroon kasi ako ng bleeding dahil sa stress kaya kinailangan kong magpahinga.

Sa awa ng diyos ay nagawang maka-recover ni Ivana after five days niya sa ICU   at si Doc. David ang pansamantalang nag-aalaga sa kanya.

At dahil sa nangyari naghigpit si Mikhail sa mga tauhan niya.

Bente kuwatro oras ang naging bantay sa labas. Palagi din silang nag-uusap ni Bob at mino-monitor kung saan nila matatagpuan si Luciana.

Hayst.. Kung hindi lang ako buntis tutulong ako sa kanila.

Ngunit naging maselan ang kalagayan ko at pinayo ng doctor na mag bed rest ako.

Bahagya akong bumangon nang bumukas ang pinto.

Kumusta na ang pakiramdam mo?” Bungad na tanong sa akin ni Daniela.

Umupo siya sa tabi ng kama at nilagyan ng unan ang likuran ko para makasandal ako ng maayos. Mabigat pa rin ang katawan ko at nahihilo pa rin ako.

I’m okay, bakit nandito ka pa? Akala ko ba may mission ka?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Yup, pero ipinasa ko muna kay Angela, Mas mahalaga ang kaligtasan mo at isa pa kumikilos na rin ang mga kakilala nila  para mahanap ang babaeng yun. Lumipat daw ito ng bansa imporma ni Dramon sa akin kaya kailangan nating mag-ingat.” Paliwanag niya sa akin.

Hayup yang babaeng yan! Pasalamat siya buntis ako dahil kung hindi baka hinunting ko na siya!”

Tama na yan, ipaubaya mo na lamang sa amin. Maselan ang kundisyon mo kaya alagaan mo ang sarili mo.” Paalala niya bago siya nagpaalam na lalabas muna.

Ilang minuto lang na umalis siya si Mikhail naman ang pumasok sa kuwarto.

Kumusta si Ivana?”

Kinintalan niya ako ng halik sa noo at pagkatapos ay naupo sa tabi ko.

She’s okay sabi ni Doc. Marami pa rin siyang malalalim na sugat sa likod dahil nagawa niyang matakpan ang kanyang mukha. Ngunit kinailangan din niyang kalbuhin dahil pati kinailangan na gamutin din ang sugat niya sa ulo. Pero so far nakakausap na naman siya. sasama nga si Jenny kay Doc.  mamaya para may magbantay sa kanya bukod kay Doc. Masyadong madaming Pasyente sa Batangas Regional Hospital at kakaunti ang doctor. Natulong na rin siya doon sa pag-a-asikaso ng pasyente.” Paliwanag niya sa akin na ikinatango ko.

Kung hindi sana masama ang pakiramdam ko ay dadalawin ko siya. Kaya lang siguradong hindi rin papayag si Mikhail.

Ikaw? Kumusta ka na? Nag-decide kami ni Bob na ilipat ka na lang sa mansyon ko. Mas safe doon kaysa dito. At isa pa, hindi alam ni Tanita ang lugar na yun.” Suhestion niya na ikinatango ko.

Mas maigi na rin doon in case na kailanganin namin ng tulong ay makakahingi kaagad kami. Pero hindi ko nasisiguro na hindi nga alam ni Luciana ang lugar na yun.

Pagkatapos naming mag-usap ni Mikhail ay inalalayan niya akong bumaba dahil aalis na sila Doc. David kasama niya si Jenny.

Wala pa kasi ang mga magulang ni Ivana. Naki-usap daw itong huwag ng ipaalam sa magulang niya dahil baka atakihin sa puso ang kanyang Ina.

Mag-iingat kayo.” Paalam ko sa kanilang dalawa.

Tinanaw namin ang pag-alis nila. May kasama silang dalawang bodyguard sa unahan sa tingin ko naman hindi sila gagalawin ni Luciana dahil kami lang talaga ang gusto niyang patayin. At palagi namang safe na nakakauwi si Doc.  kaya hindi kami masyadong nag-aalala.

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now