CHAPTER 37⚠️ ~ UNDER ARREST

1K 28 0
                                    

AUTHORS NOTE: Salamat sa patuloy na pagbabasa sa aking story. Pa Vote naman po plss...🥺 kahit ako nang gigigil nadin sa ginagawa ng mga tauhan ko dito haha!







•MIKHAIL DRAMON's P.O.V•

Kakatulog lang ni Ysabela, at sinabihan ko siyang gigisingin ko siya kapag tumawag si Daniela.

Dahan-dahan kong tinangal ang kanyang ulo sa aking braso at inilipat ko ito sa unan.

Pagkatapos ay nilagyan ko naman siya ng makapal kumot. Kinintalan ko siya ng halik sa noo.

Saktong pagtayo ko nang umilaw ang phone sa bedside table ko kaya dinampot ko agad ito bago pa magising si Ysabela at dahan-dahan akong humakbang palabas ng kuwarto.

Bago ko pindutin ang answer button.

Kumusta Dramon?” Bungad niya sa akin nang itapat ko ang phone sa tenga ko.

Nabosesan ko kaagad siya kaya lumayo ako sa pintuan ng kuwarto.

Nasaan ka?” Igting ang pangang tanong ko sa kanya.

Narinig ko ang malutong na tawa niya.

Guess it…”

Hayop ka! Sabihin mo sa akin kung nasaan ka!” Singhal ko sa kanya dahil hindi ko na napigilan na magalit.

Hayop agad? Hindi mo ba ako namimiss? Kasi ako I really really miss you....” Malambing niyang sabi na unti-unting nagpanginig ng laman ko kung nandito lang siya sa harap ko ay binaril ko na siya!

Magpakita ka sa akin at tapusin na natin ang laban na ito! Wag mo ng idadamay ang ibang taong wala namang kinalaman dito!”

Kabilang ba doon ang paki-alamerong kapatid ni Ysabela?”

Shit! Tumigil ka na Luciana! Ano ba talagang gusto mo?!”

Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa nararamdaman kong galit.

Alam mo naman na ikaw ang gusto ko Dramon diba ?, matagal na kitang gusto. I’m sorry kung ako ang dahilan kung bakit nawala sina Mommy Mikhaela at Daddy Tyrus...Sila kasi—”

Tumahimik ka na! Huwag mong ibaling sa sisi sa kanila kung bakit mo sila pinapatay! Sabihin mo sa akin kung nasaan ka at pupuntahan kita ngayon din!” Tiim bagang pahayag ko sa kanya.

Ayoko ng may iba pang madamay sa alitan naming dalawa lalo na ang mga malalapit sa akin.

Gusto mo na ba talaga akong makita? If yes ang sagot mo sasabihin ko sa’yo kung nasaan ako. Ngunit hindi ka na maaring bumalik pa sa Ysabela na yan.”

Sabihin mo sa akin kung nasaan ka at ako ang magpapasya kung babalik pa ako o hindi na.”

Really!?”

Nahimigan ko ang excitement sa boses niya.

Okay darling, sasabihin ko sa’yo. Pero mangako ka na hindi mo sasabihin kahit kanino. I want you alone Dramon. Ikaw lang ang kailangan ko…pagkatapos ng libing ng paki-alamerang Jenny na yan. Itetex ko sa’yo ang address. Kapag hindi mo tinupad ang pangako mo pasasabugin ko ang buong Rest House na yan. Hindi mo alam ang kaya kong gawin Dramon.” May pagbabanta niyang sabi sa akin.

Darating ako, ngunit binabalaan din kita. Kapag may iba ka pang dinamay sa amin. Sisiguraduhin ko sa’yo na gagawin ko ang lahat upang mahanap ka at ako na mismo ang maghahatid sa’yo sa impyerno.” Banta ko din sa kanya.

Oh my God! I’m so excited to see you again!”

Pagkatapos niyang sabihin yun ay pinatay ko na agad ang phone.

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now