Chapter 17 ~ SEDUCIVE MAID

1.1K 14 0
                                    

  •MIKHAIL DRAMON's P.O.V•

Ano ba? Kanina pa ang mga babae diyan sa harapan mo wala ka pa ding napipili? Kita mo nga, kulang na lang magka-ugat na sila sa kakatayo sa harapan mo. Tapos ikaw puro ka lang inom ng alak diyan.” Litanya ni Bob sa akin.

Pagkalabas ko ng hacienda matapos ng naging pagtatalo namin noong gabing yun ay naglakad ako sa pinakamalapit na tindahan upang makitawag para masundo ako ni Bob dahil naiwan ko ang phone ko at ang iba ko pang gamit sa kanila.

Tatlong araw na ang nakalipas pero wala pa rin ako sa sarili.

Hindi ko matangap na sa ganun lang matatapos ang lahat.

Hindi pa rin ako makapaniwala na hindi ko na siya makikita.

Parang kahapon lang hawak ko pa ng mahigpit ang kamay niya.

Nagigising akong magandang mukha niya ang aking nakikita.

Pero ngayon, mag-isa na lamang ako...

Nakakatulog lang ako dahil sa labis na kalasingan.

Gaya ngayong gabi na nasa isang club kami at nagpapalipas ng magdamag. Nilulunod ko ang aking sarili sa alak.

Nagbabaka-sakali na makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko. Pero kahit anong gawin ko hindi ko pa rin matanggap.

Matalim ang tingin na ipinukol ko kay Bob dahil sa pangungulit niya.

Sinabi ko ba sayong bigyan mo ako ng babae?! Paalisin mo ang mga yan!” Singhal ko sa kanya.

Takot na takot na nagpulasan palabas ang mga babaeng kakarampot lang ang suot.

Dahil sa matalim ang tingin na ipinukol ko sa kanila.

Ano ka ba Thiago? Sisirain mo ang buhay mo dahil lang kay Ms. Ysabel ? Marami pang babae diyan! Ihahanap kita kahit sampung assassin o secret agent  pa tigilan mo lang ito!” Singhal din niya sa akin.

Itinapon ko hawak kong bote sa sahig at marahas kong hinila ang kwelyo ng suot niyang damit.

Si Ysabela lang ang gusto ko! Naintindihan mo ba yun? Siya lang at wala ng iba!” Igting ang pangang sabi ko sa kanya.

Stop it !” Saway ni Levi  sa amin.

Marahas ko siyang binitawan at nagmadali akong lumabas ng pinto ng VIP room.

Sumalubong sa akin ang nakakabinging ingay sa club. Nanlalabo na rin ang paningin ko.

Dederetso na sana ako ng lakad nang may napansin akong babae na nakatalikod mula sa gawi ko.

Kulay pula ang suot niyang damit at sumasayaw. Parehong-pareho sila ni Ysabela kapag nakatalikod.

Nanabik akong lumapit sa kanya at mahigpit ko siyang niyakap mula sa likuran.

Ysabela…patawarin mo na ako. Mahal na mahal kita. Hindi ko kaya...hindi ko kayang mawala ka…”  Pagsusumamo ko sa kanya.

Hinarap ko siya sa akin ngunit nagulat ako dahil hindi siya ang babaeng kinasasabikan kong makita.

Bakit mo niyayakap ang girlfriend ko?!” Asik ng lalaki at hinila niya ang babae na hawak ko at inilagaya niya sa kanyang likuran.

"oh.., i---"

Isang suntok sa kamao ang nagpabagsak at nagpasubsob sa akin sa katabing mesa.

Bastos ka! Maghanap ka ng ibang babaeng babastusin!” Patuloy na singhal ng lalaki sa akin.

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now