CHAPTER 40 ~ IM SORRY YSABEL

841 20 8
                                    

•YSABELA's P.O.v•

"Ysabela!"

"Wake up! Ysabela!"

tok! tok! tok! tok!


Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sunod-sunod na katok at tawag ni Bob at ni Daniela sa labas.

Binuksan ko ang pinto at hindi lang siya ang bumungad sa akin pati si Bob ay hindi rin
ma-ipinta ang mukha.


What happen?” Kinakabahang tanong ko sa kanya.

Si Dramon, tumakas habang hinahatid patungong Manila.”

Ano? Anong sinasabi mo? Next week pa ang court order diba?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Someone call us, tumakas daw si Dramon!"

Yun din ang alam ko. At hindi lang siya tumakas. Pati yung limang pulis na kasama niya ay pinatay niya.”

Para akong na-itulos sa kinatatayuan ko nang sabihin niya yun.

Imposibleng magagawa yun ni Mikhail.

Hindi ako naniniwalang kayang gawin yun ni Mikhail.

Kahit isa pa siyang mafia alam kong hindi niya kayang gawin ang bagay na yun!

Kailangan natin magpunta sa BJMP. Imposible yang sinasabi niyo. Hindi gagawin ni Mikhail ang ganoong bagay!”

"Wait...Ysabela!"

Tinalikuran ko sila at kaagad akong naghanda sa sarili upang puntahan ang kulungan.

I know He needs me...

Kung talagang tumakas si Mimhail isa lang ang uuwian niya.

Kaya hindi ako naniniwala!

Pagkatapos kong magbihis ay kaagad na akong bumaba.

Nasa hagdan pa lamang ako nang makita ko ang mga pulis na kausap ni Bob at naroon din si Doc. David.

Puwede ba namin halughugin ang buong bahay mo para malaman namin kung nagsasabi ka ng totoo?” Narinig kong tanong ng isang pulis kay Bob.

Nagmadali akong bumaba sa hagdan at hinarap ko sila.

Hindi tumakas si Mikhail! Kung may dapat man kayong imbestigahan yun ay ang BJMP. Paano nila nagawang ilipat ang isang inmate ng dis-oras ng gabi?”

"Ysabela..."

Tumayo si Daniela at namagitan sa amin.

Sissy, huminahon ka…makakasama sa’yo yang ginagawa mo.”

Mas makakasama sa akin kapag hindi nila nahanap ang asawa ko, Daniela. Hindi siya tumakas at hindi niya magagawang patayin ang mga pulis na yun! Kung tatakas man yun dito kaagad yun pupunta! Kaya imposible yang binibitang nila!”  Nanginginig ang aking katawan sa galit.

Habang lumilipas ang mga oras lalong nanganganib ang buhay ni Mikhail. At hindi ko alam kung paano ko siya hahanapin!


Totoo ang sinasabi namin Sir, wala dito si Boss Dramon. Sa tingin niyo ba dito siya tutuloy kung alam niyang dito niyo siya hahanapin?” Dagdag pa ni Bob.

Napabuntong-hininga ang mga pulis.

Hinawi ko si Daniela at matalim ang tingin na ipinukol sa pulis na nakatayo sa harapan namin.

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now