Chapter 11 ~ SEDUCE ⚠️

1.9K 30 0
                                    

•MIKHAHIL DRAMON's P.O.V•

Anong balak mo kay Ms. Ysabel , Dramon ?”  Tanong ni Bob sa akin.

Nandito kami ngayon sa labas at nagpapahangin kakatapos lang namin maghapunan ni Ysabela  at lumabas muna ako para makausap na rin si Bob.

Gaya pa rin ng dati Bob .” Sagot ko sa kanya.

Ano ? Akala ko ba galit ka sa kanya? Bakit nagbago ata ang ihip ng hangin? Sasabihin mo ba sa kanya na ang kakambal niya ang pumatay sa kapatid mo?”

Tumayo ako sa upuan na kahoy at humarap sa kanya.

Wala kang sasabihin na kahit ano sa kanya Bobby... Alam mo naman siguro ang pinasok kong problema makuha ko lang siya ulit.  Sigurado ako sa mga oras na ito ay hinahanap na nila ako. Sabihin mo kay  Levi  na mag-iingat sila. Siguradong hindi titigil ang pamilya ni  Takamurah sa paghahanap sa akin hanga’t hindi nila ako nakikita. Hindi sa natatakot ako sa kanila. Pero may planong itakas ni  Ysabela ang mga batang bihag ni Edogawa.”

Ano?! Wag mong sabihin na tutulong ka? Hindi pa nga natin natatapos ang problema kay Takamurah  gagawa ka na naman ng panibagong problema.” Reklamo niya sa akin.

Alam kong delikado ang plano ni Ysabela. Hindi niya kilala si Edogawa. Kung makapangyarihan si Takamura mas makapangyarihan si Edogawa.

Pero kapag hindi ako pumayag siguradong lulusob si Ysabel doon ng mag-isa at ayoko nang maulit pa ang nangyari.

Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may nangyari sa kanyang masama. Lalo pa ngayon na may nangyari na sa amin. Hindi ko na siya pakakawalan pa.

He’s mine and soon to be my queen!

Ihanda mo ang mga tauhan natin Bob Magdagdag ka kung kinakailangan para matapatan natin ang mga tauhan ni Edogawa. Ayoko mang isama si Ysabela paniguradong pipilitin niya akong isama siya. Ayokong masaktan ang babaeng mahal ko. Kaya siguraduhin nating maitatakas natin ng buhay ang lahat ng mga babae doon.”

Napabuntong hininga siya sa sinabi ko.

Alam niyang lulusong kami sa panganib kaya nag-alala siya. Ako man ay hindi mapanatag pero nangako na ako kay Ysabela at ayokong biguin siya.

Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ay umakyat na rin ako.

Alas-nuebe na kasi ng gabi at siguradong tulog na rin si Ysabel.

Kumuha ako ng extrang unan bago pumasok sa aking kwarto.

Sa totoo lang maliit para sa malaking kagaya ko ang sofa na hihigaan ko pero mabuti na yung umiwas baka mabinat pa siya kapag hindi ko napigilan ang aking sarili.

fuck!

Pagpasok ko ng kuwarto ay wala sa kama si Ysabel.

Akala ko sa mga oras na ito ay tulog na siya pero narinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo.

shit...kelan pako nagka Nerbyos?

Dumeretso ako sa sofa at inilagay ko ang unan sa dulo saka ako humiga. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Nasa banyo siya at naliligo sa mga oras na ito. Hindi na ako mapakali kahit malamig pakiramdam ko nag-iinit ako.

Damn it!

Akmang tatayo na ako ngunit bumukas ang pinto ng banyo.

Napalunok ako nang makita ko ang legs niya.

" oh! Mikhail?"

Kanina ka pa diyan?”  Tanong niya sa akin.

Shit!

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now